PatrolPH

Sasakyan nahulog sa bangin sa Benguet; 2 estudyante patay, 1 sugatan

ABS-CBN News

Posted at Jun 08 2022 03:23 PM

Mula kay Aiza Bantasan
Mula kay Aiza Bantasan

BENGUET — Patay ang 2 estudyante matapos mahulog ang isang sasakyan sa 10-metrong lalim na bangin sa Bahong, La Trinidad, Benguet Miyerkoles ng madaling-araw.

Kinilala ang mga nasawi na sina Cedric Wasit, 25 anyos, at Rolly Quintino, 24 anyos. 

Sugatan naman si Alzeimer Anton Menes, 24 anyos, at nagpapagaling sa Benguet General Hospital.

Hindi pa tiyak kung ano ang dahilan ng aksidente pero posible umanong nawalan ng kontrol ang drayber na si Wasit.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa insidente.

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC

— Ulat ni Mae Cornes

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.