COVID-19 vaccine pass balak gawing digital | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

COVID-19 vaccine pass balak gawing digital

COVID-19 vaccine pass balak gawing digital

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 08, 2021 08:13 PM PHT

Clipboard

Binabakunahan kontra COVID-19 ang isang residente ng San Juan sa Greenhills Theater noong Hunyo 1, 2021. Mark Demayo, ABS-CBN News/File

(UPDATE) Balak ng gobyernong gawing digital ang mga "vaccine pass" na ibinigay ng mga local government unit sa lahat ng mga nabakunahan na kontra COVID-19, ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Layon umano nitong padaliin para sa mga bakunado ang paggamit ng vaccine pass sa mga establisimyento at biyahe.

"It can be like a digital card, may sariling QR code, puwede rin po siyang maging digital ID na proof, evidence na kayo'y nagpabakuna na... Puwede 'yan eventually ma-integrate sa ating national ID," ani Nograles.

Pero pinayo ni Nograles sa publiko na itago pa rin muna ang pisikal na kopya ng kanilang vaccination card habang inaayos pa ang magiging sistema ng pagiging digital ng mga ito.

ADVERTISEMENT

Watch more in iWantv or TFC.tv

Maaari rin umanong mapakinabangan ang digital vaccine card sa oras na i-require ito ng ibang bansa na gustong puntahan ng mga Pilipino.

"Kung 'yan ang i-impose ng ibang bansa then that is something that we have to respect," ani Nograles.

Kapag naplantsa na, paaaprubahan ang planong digital vaccine card sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases bago tuluyang maipatupad.

Target ng Pilipinas mabakunahan ang 70 milyon ng populasyon para makamit ang herd immunity. Sa huling tala, 4.4 milyon na ang nabigyan ng first dose ng COVID-19 vaccine, kabilang ang 1.6 milyon na nakatanggap ng 2 dose.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

RELATED VIDEO

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.