Lolo napatay ng natumbang puno | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lolo napatay ng natumbang puno
Lolo napatay ng natumbang puno
ABS-CBN News
Published Jun 07, 2018 10:46 AM PHT

GENERAL SANTOS CITY, South Cotabato - Patay ang isang 59-anyos na lalaki makaraang mabagsakan ng puno ng balete sa Barangay San sa lungsod na ito, Miyerkoles ng hapon.

Nagbibisikleta ang biktimang si Rogelio Tomis nang tiyempong mabuwal ang puno dahil sa malakas na hangin at bumagsak sa matanda, ayon sa ilang residente.

Idineklarang dead on arrival sa ospital si Tomis.

Daing ng kaniyang biyudang si Julieta, "Masakit talaga para sa amin, hindi pa namin tanggap ang mga nangyari."
Daing ng kaniyang biyudang si Julieta, "Masakit talaga para sa amin, hindi pa namin tanggap ang mga nangyari."
ADVERTISEMENT
Nagdulot ng mga pag-ulan sa malaking bahagi Luzon at Visayas ang bagyong Domeng at ang habagat, ayon sa state weather bureau PAGASA.

Sa gitna ng masamang panahon, binaha ang ilang lugar sa General Santos City habang sumikip ang trapik sa ilang barangay dahil sa mga natumbahang puno.

Ulat ni Jay Dayupay, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT