3 patay, 6 sugatan sa pagsunog sa isang bus sa Cotabato | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
3 patay, 6 sugatan sa pagsunog sa isang bus sa Cotabato

ABS-CBN News
Published Jun 05, 2021 07:43 AM PHT

Tatlong pasahero ang nasawi at anim ang sugatan sa panununog sa isang pampasaherong bus sa national highway sa bayan ng M'lang, Cotabato Huwebes ng hapon.

Kinilala ng mga awtoridad ang mga namatay na sina Johny Roy Ramil Jr., Hazel Gallardo at Arnold Patron.

Base sa imbestigasyon, sakay ang mga biktima ng bus galing Kidapawan City nang huminto umano ang driver sa bahagi ng Brgy. Bialong para sa pagbaba ng bus inspector.

Pero biglang pumasok ang dalawang suspek na sinilaban ang bus gamit ang gasolina.
Pero biglang pumasok ang dalawang suspek na sinilaban ang bus gamit ang gasolina.
ADVERTISEMENT
Nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang pulisya at mga awtoridad sa pagtugis sa mga salarin.

Handa namang magbigay ng tig-P100,000 ang provincial government ng Cotabato at lokal na pamahalaan ng M'lang bilang pabuya sa makakapagturo sa reponsable sa insidente.

"This act is really unforgivable. Tutukan natin ito dahil may mga pamilyang nawalan ng ama, ina, at anak. Kailangang managot ang responsable sa insidenteng ito," ani Cotabato Gov. Nancy Catamco.

Bukod sa mga awtoridad at mga lokal na opisyal, kinondena rin ng Mindanao Development Authority ang insidente.

"We cannot go back to the days of terror which stunted our economic growth and made the lives of our people miserable," ani MDA chairman Manny Piñol.

— Ulat ni Hernel Tocmo
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT