2 patay sa nasunog na bus sa Commonwealth QC, pasahero tinukoy na suspek | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 patay sa nasunog na bus sa Commonwealth QC, pasahero tinukoy na suspek

ABS-CBN News
Published Jan 03, 2021 02:30 PM PHT
|
Updated Jan 03, 2021 05:40 PM PHT

MAYNILA (UPDATE) - Dalawa ang patay at 4 ang sugatan matapos sumiklab ang sunog sa isang pampasaherong bus sa kahabaan ng Commonwealth, Quezon City nitong Linggo.

Patay ang konduktorang si Amelene Sembana at isang hindi pa kilalang lalaki, ayon sa inisyal na ulat ng QC Bureau of Fire Protection.

Ayon kay Valentino Obligasion, 45, driver ng Fairview Bus na may plate number NAL 6673 at body number 1606, may binuhos ang isang lalaking pasahero sa kaniyang konduktora na naging sanhi ng pagliyab.

"May nakaaway po yung konduktor na pasahero... Nung nakita na lang po, tumatakbo na yung konduktor ko, sinindihan siya nung pasahero... Dun na po nag-umpisa ang sunog," ani Obligasion.

ADVERTISEMENT
Binuhusan ng lalaki ang konduktora ng hinihinalang gaas na nakalagay sa isang maliit na bote, ayon naman sa pasaherong si Jennifer Lutao.

"Nagbabangayan sila eh. Sabi ng lalaki 'ano sabi mo, ano sabi mo?'" kuwento ni Lutao.

"Tinulak nitong kaaway niya papunta dun sa dulo, sa amin. Nung tumayo yung konduktura, inandihan niya na yung kaaway niya, yung pasahero. Sapakan na sila, suntukan."

Binuksan ng driver ang pinto nang mangyari ang sunog, ayon kay Gemma Acanto, pasaherong nakasakay sa harap ng bus.

"Binuksan ng driver yung pinto, tumalon na po ako, kasunod 'yung driver," aniya.

Naiulat ang nasunog na sasakyan alas-12:57 ng tanghali sa Pearl Drive Commonwealth, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority.

Idineklara ang fire out alas-1:20 ng hapon, sabi ni SF03 Francisco Mabunga ng QC Central Fire Station.

Hindi kaagad tinukoy ng mga imbestigador kung ang hindi pa nakikilalang bangkay ay sa kaaway ng konduktora.

Mayroong fire extinguisher ang bus ngunit hindi kinaya apulahin ang sunog, ayon kay Fire Inspector Lyn Mercado, commander ng Fairview Fire Substation.

Ayon kay Jhoanna May Ervera, isang testigo, mabilis na lumaki ang apoy dahil sa dami ng plastic barrier.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

I-refresh ang pahinang ito para sa updates.
Kuha ni Jhoanna May Ervera
--May ulat ni Rowegie Abanto at George Calvelo, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
metro
metro news
sunog
bus
Commonwealth Avenue
Quezon City
TV Patrol
Jeffrey Hernaez
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT