Calamba Water District, nilinaw na hindi konektado ang kanilang linya sa creek na may poliovirus | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Calamba Water District, nilinaw na hindi konektado ang kanilang linya sa creek na may poliovirus

Calamba Water District, nilinaw na hindi konektado ang kanilang linya sa creek na may poliovirus

April Magpantay,

ABS-CBN News

Clipboard

CALAMBA CITY - Nilinaw ng Calamba Water District nitong Miyerkoles na hindi konektado ang linya ng kanilang tubig sa tinutukoy na creek na kontaminado ng poliovirus.

Ayon sa general manager ng Calamba Water District na si Exequiel Aguilar Jr., iba ang pinagkukunan ng tubig na kanilang isinusuplay sa mga kabahayan sa lungsod.

"Ang amin pong linya ay hindi naman connected sa Ligasong Creek. Ang amin pong water source ay nasa Bucal Spring. Nasisiguro po namin na hindi po maco-contaminate ng poliovirus ang amin pong water supply… Nothing to worry po at kami po naman ay ginagawa po namin lahat para po mapanatili yung kredebilidad ng malinis na tubig dito po sa siyudad ng Calamba," paliwanag niya.

Magsasagawa na rin umano sila ng karagdagang pagsusuri sa kanilang mga linya upang matiyak sa mga konsumedores na malinis ang tubig na kanilang isinusuplay.

ADVERTISEMENT

“We can do parallel testing…Magpapakuha rin po kami ng testing sa Ligasong Areek at same time siguro magpapatest din kami sa Bucal para matapos ang issue na 'to," dagdag pa ni Aguilar.

Nauna nang kinumpirma ng City Health Office at ng pamahalaan ng Barangay Bucal na nagpositibo sa poliovirus ang tubig sa Ligasong Creek, na matatagpuan sa pagitan ng Barangay Bucal at Barangay Halang sa lungsod.

Paalala naman ng City Health Office, iwasan muna ang paglusong sa naturang creek para maiwasang makakuha ng poliovirus.

"Huwag na huwag dudumi diretso doon sa creek o kaya magtapon ng mga basura lalo na ang mga diaper…Iwasan munang lumusong sa tubig na 'yun. Kasi mamaya accidentally mapunta sa kanilang bibig 'yung tubig o may malunok silang tubig ay pwedeng magkaroon ng problema. Walang poliovirus case rito sa Calamba," ani Dr. Dennis Labro, city health officer ng Calamba.

Matatandaang Setyembre 2019 nang magkaroon ng kaso ng polio sa Calamba City.

Siniguro rin ng CHO na tuloy-tuloy ang kanilang buwanang pagsusuri sa tubig sa San Juan River at Ligason Creek.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.