Daluyan ng tubig sa Calamba, positibo sa poliovirus | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Daluyan ng tubig sa Calamba, positibo sa poliovirus

Daluyan ng tubig sa Calamba, positibo sa poliovirus

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 03, 2020 03:16 PM PHT

Clipboard


City Health Office: Tubig mula Calamba water district, hindi kontaminado

MANILA (UPDATE) - Positibo sa poliovirus ang daluyan ng tubig na pumapagitna sa Barangay Bucal at Barangay Halang, Calamba City sa Laguna batay sa resulta ng isinagawang pagsusuri ng mga awtoridad na inilabas nitong Martes ng gabi.

Ayon sa Facebook post ng Sangguniang Barangay ng Bucal, ang ilat o ligasong sa pumapagitna sa dalawang barangay, o ang tubig mula sa Pamana Homes papuntang Laguna de Bay, ay nagpositibo sa poliovirus matapos ang isinagawang pag-aaral

"Nagsagawa po ang City Health Office ng pagkuha ng sample ng tubig sa ilat o ligasong na pinagigitnaan ng Barangay Bucal at Barangay Halang at ito po ay dinala sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para masuri," ayon sa barangay.

"Nais po namin ipagbigay alam sa lahat na ang resulta po ng pagsusuri ay positibo," anila.

ADVERTISEMENT

Panawagan ng barangay, iwasan muna ng mga residente na pumunta sa lugar, siguruhing malinis ang inuming tubig, ugaliing maghugas ng kamay at huwag magtapon ng basura o dumumi sa daluyan ng tubig.

Sa isang paglilinaw Miyerkoles, sinabi naman ng City Health Office ng Calamba na hindi kontaminado ng poliovirus ang tubig mula sa Calamba Water District.

Nauna nang inulat ng mga awtoridad ang pagbabalik ng polio sa Pilipinas noong Setyembre, 19 taon matapos ideklara ng World Health Organization na ligtas sa naturang sakit ang bansa.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.