Drug suspect patay sa engkuwentro sa Nueva Ecija | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Drug suspect patay sa engkuwentro sa Nueva Ecija

Drug suspect patay sa engkuwentro sa Nueva Ecija

Lady Vicencio,

ABS-CBN News

Clipboard

Isang drug suspek ang patay sa Talavera, Nueva Ecija matapos mauwi sa engkuwentro ang isang buy-bust operation, sabi ngayong Miyerkoles ng pulisya.

Target umano ng operasyon si Ferwin Ganias na nagbenta umano ng P500 halaga ng hinihinalang shabu bago nakaramdam na pulis ang kaniyang katransaksiyon.

Pinaputukan umano ni Ganias ang pulis kaya dumpenesa na rin ito at napatay ang target.

Kasama sa drug watchlist ang nasawing suspek.

ADVERTISEMENT

Apat na pakete ng hinihinalang shabu ang nakuha kay Ganias at narekober din ang isang baril.

Noong Biyernes, isang 42 anyos na lalaki rin ang nasawi sa Talavera matapos umanong paputukan ang mga pulis sa buy-bust operation.

Nagsasagawa ngayon ang Department of Justice (DOJ) ng review ng mga tala ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa drug war ng administrasyon sa alegasyon ng iregularidad sa pagkamatay ng mga drug suspek sa anti-narcotics operations.

Pero mula sa naunang 61 kaso, ibinaba sa 53 ang bilang ng mga drug war case na bubuksan ng pulisya sa DOJ.

May mga tala namang nagsasabing higit 7,000 na ang napatay sa mga drug-related police operation kung saan ayon sa awtoridad ay "nanlaban" ang mga suspek.

Pero tingin ng mga human rights group ay mas mataas pa ang aktuwal na bilang ng mga nasawi.

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.