PNP kumambiyo, piling 'drug war' records na lang ang ipapasilip sa DOJ | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
PNP kumambiyo, piling 'drug war' records na lang ang ipapasilip sa DOJ

ABS-CBN News
Published Jun 01, 2021 08:31 PM PHT

MAYNILA — Hindi maaaring buksan ng gobyerno ang lahat ng records nito sa kontrobersiyal na war on drugs dahil posibleng makompromiso ang seguridad ng bansa, ayon mismo kay Pangulong Rodrigo Duterte, taliwas sa naunang pahayag ng Philippine National Police (PNP).

"Hindi namin maibigay lahat not because we are hiding some facts known to us, unknown to you... We cannot divulge it to anybody but only to the military and to the police," ani Duterte noong Lunes.

Giniit ng Pangulo, siya mismo, hindi na rin inaalam ang mga impormasyong ito at sinasabihan lang ng ilang detalye ng mga drug operations kung may sangkot lang na mga malalaking pangalan.

Matapos nito, kumambiyo ang PNP at sinabing 53 na lamang sa 61 kaso ang bubuksan nila sa Department of Justice.
Matapos nito, kumambiyo ang PNP at sinabing 53 na lamang sa 61 kaso ang bubuksan nila sa Department of Justice.
ADVERTISEMENT
"Actually 'yung nabanggit ng ating pangulo, hindi lahat ng kaso puwedeng ilabas natin. Through our arrangement with the DOJ, 'yung mga resolved na kaso na lang ang aming ifo-forward sa kanila," ani PNP chief Gen. Guillermo Eleazar.

Paliwanag ni Eleazar, kasalukuyan pa kasing inaapela ang 8 sa mga kaso kaya’t hindi pa pala ito puwedeng buksan.

Pero sa isang resolusyon noong Abril 2018, mismong Korte Suprema na ang nagsabi na hindi maaaring gawing batayan ang national security para hindi ilabas ang mga dokumento patungkol sa drug war.

Kinilala naman ito ni DOJ Secretary Menardo Guevarra pero isasaalang-alang nila ang pangamba ng Pangulo.

"[W]e'll play it by ear. There’s this concern on the part of the President so we’ll just be more careful siguro when the PNP and the DOJ examine all of these records anew," ani Guevarra.

—Ulat ni Pia Gutierrez, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT