PNP handang isambulat ang kanilang 'drug war' records | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
PNP handang isambulat ang kanilang 'drug war' records

Mike Navallo,
ABS-CBN News
Published May 26, 2021 08:57 PM PHT

MAYNILA — Labis pa rin ang pangungulila ng streetsweeper na si Mariza Hamoy sa kanyang 17-taong gulang na anak na si Darwin.

Namatay si Darwin sa isa umanong buy-bust operation sa Payatas noong Agosto 2016. "Nanlaban" siya ayon sa mga pulis, pero giit ni Mariza, naimbitahan lang uminom ang anak at wala itong kinalaman sa ilegal na droga.

"Hanggang ngayon po, di ko po tanggap. Magpa-five years na po [since pinatay] anak ko... Kasi siyam na buwan ko siya dinala. Ultimo langaw, ayaw ko padapuan. Pero ginawa nila sa amin. Pinatay nila anak ko. Hindi po hinawakan nang maayos yun. Sinako-sako nila anak ko. Yun ang masakit," hinaing ni Mariza.

Nagsampa ng reklamo sa Office of the Ombudsman si Mariza sa paghahangad ng hustisya para sa anak, pero tuluyan din itong ibinasura noong 2018 pati ang kanyang apela noong Enero 2019.

ADVERTISEMENT
Ang tangi niyang pag-asa ay ang isinampang reklamo sa Philippine National Police Internal Affairs Service (PNP-IAS) noong Nobyembre 2017 laban sa 17 pulis na sangkot sa operasyon.

Kaya ikinatuwa niya ang pahayag ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar na bubuksan nila sa Department of Justice ang records ng mga napatay sa drug war.

Una nang sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na pumayag si Eleazar na silipin ang 61 kaso kung saan nakitaan ng PNP-IAS ng pananagutan ang ilang pulis na sangkot.

Kinilala ng Commission on Human Rights bilang isang hakbang sa tamang direksyon ang pagbukas ng PNP ng mga kasong ito sa DOJ.

Pero kaagad itong kinwestiyon ng ilang human rights groups dahil ang 61 kaso ay kakaunti lang kung ikukumpara sa higit 7,000 napatay sa drug operations, base sa opisyal na datos ng gobyerno.

Nitong Miyerkoles, nilinaw ni Eleazar na kahit ang ibang kasong inimbestigahan ng PNP-IAS ay bubuksan din nila para sa DOJ.

"Based on our discussion, even the other cases that we have, that the IAS has investigated, even if that resulted in the exoneration of the police operatives considering that no other evidence were presented by the relatives of the suspect, still we are willing to coordinate with the DOJ," ani Eleazar.

Ani Eleazar, handa silang isiwalat ang nilalaman ng 7,000 kaso.

"As long as the DOJ requested for the availability of these, we will provide them with these information."

Ngayon lang ito nangyari, ayon kay Guevarra, na ikinatuwa ang pagbubukas ng PNP ng kanilang datos.
Ngayon lang ito nangyari, ayon kay Guevarra, na ikinatuwa ang pagbubukas ng PNP ng kanilang datos.
ADVERTISEMENT
"What is significant right now is that the DOJ has been given free access, something that did not happen in previous years, thereby making our review rather difficult... If the PNP chief has said that the review panel may also review these other cases, we will be very happy to do so, as this is what we had wanted in the first place."

Aminado naman si Justice Undersecretary Adrian Sugay na hindi ganoon kadali ang proseso.

"Yung 6,000 plus, we need to discuss first kung paano yung logistics nun. Baka nga sampling, we don’t know," ani Sugay.

Tingin ni Human Rights Watch senior researcher Carlos Conde, isang hamon ito sa liderato ni Eleazar.

"If Eleazar is serious about these reforms, he should ensure the police’s full cooperation with investigators into the drug war killings and take more concrete steps to hold abusive officers accountable," ani Conde.

Para naman sa mga umaasa pa ring mabibigyan ng hustisya ang kanilang mga mahal sa buhay, malaking bagay na ang hakbang na ito ng DOJ at PNP.

"Nagpasalamat po ako na bubuksan... Sana ibigay nila ang way, kung ano pong way ang para sa amin. Itama po nila ngayon. Kasi 5 years po kami naghintay," sabi ni Mariza.