Manila Zoo, muling isinara para sa rehabilitasyon | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Manila Zoo, muling isinara para sa rehabilitasyon

Manila Zoo, muling isinara para sa rehabilitasyon

Raya Capulong,

ABS-CBN News

Clipboard

Kita sa larawang ito ang isang trabahador ng Manila Zoo at ang elepanteng si Mali noong Disyembre 27, 2021. Jonathan Cellona, ABS-CBN News
Kita sa larawang ito ang isang trabahador ng Manila Zoo at ang elepanteng si Mali noong Disyembre 27, 2021. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

Muling isinara ang Manila Zoo ngayong Miyerkoles para sa pagsisimula ng panibagong rehabilitasyon nito.

Nagsasagawa na ng minor retouch sa pintura sa mga dingding at signages, at may wine-welding din na mga bakal sa loob ng zoo.

Nagdesisyon ang pamunuan ng zoo na pansamantalang isara ito sa publiko para matiyak ang kaligtasan ng lahat habang ginagawa ang rehabilitasyon, sabi ni Alipio Morabe Jr., officer-in-charge ng public recreation bureau ng siyudad.

Ani Morabe, pangunahing dahilan ng rehabilitasyon ang pagkakaroon ng sewage treatment plant sa lugar. Pangalawa ay ang paglalagay ng mangroves sa lagoon, at pangatlo ay ang pagsasaayos ng outdoor spaces ng zoo.

ADVERTISEMENT

"Itsi-check natin ang enclosures kung talagang safe sa mga tao, 'yung savanna maglalagay tayo ng trees para magkaroon ng shape 'yung ating herbivore animals, 'yung ating outdoor reptiles aayusin din ang filtration ng kanilang pond, maglalagay din ng koi pond so marami pa tayong aayusin," dagdag niya.

Target nilang tapusin ang rehabiltasyon ng isang buwan at pinaghahandaan na rin anila ang grand opening ng zoo sa Hulyo.

Makakaasa anila ang publiko na sa muling pagbubukas ng Manila Zoo ay mas marami itong atraksiyon, madaragandagan ang mga hayop, may museum, mga garden, at marami pang iba.

Pero sa muling pagbubukas ng zoo, hindi na anila libre ang entrance fee habang may discount naman ang mga PWD at senior citizens.

Dumagsa ang mga tao sa zoo nitong weekend at sinamantala ang libreng pamamasyal.

Batay sa tala ng Manila Zoo, pumalo sa 32,116 ang bilang ng mga namasyal noong Linggo, 14,000 noong Lunes habang nasa 13,000 naman nitong Martes.

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.