Manila Zoo pansamantalang isasara | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Manila Zoo pansamantalang isasara
Manila Zoo pansamantalang isasara
ABS-CBN News
Published Jan 22, 2019 03:40 PM PHT
|
Updated Jan 22, 2019 07:19 PM PHT

(UPDATED) Pansamantalang isasara sa publiko ang Manila Zoo para bigyang daan ang pagpapagawa ng sewer lines, sabi ngayong Martes ng isang opisyal ng pamahalaang lungsod ng Maynila.

Ayon kay Manila City Administrator Eric Alcovendaz, nagdesisyon ang Manila City Hall na ipasara simula ano mang araw ngayong linggo ang zoo.

Isang executive order ang ipalalabas ni Manila Mayor Joseph Estrada kaugnay ng pagsasara ng zoo, ani Alcovendaz.

Kasunod ito ng pagkakatuklas kamakailan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na walang sewer line o sewage treatment plant ang Manila Zoo.

ADVERTISEMENT
Sinilip ng DENR ang zoo bilang bahagi ng pag-inspeksiyon nila sa mga establisimyentong pinaghihinalaang nagtatapon ng dumi sa Manila Bay at sa mga estero o ilog na konektado rito.

Dumederetso ang dumi ng zoo sa Estero San Antonio de Abad na direkta namang nakakonekta sa Manila Bay, ayon kay Alcovendaz.

Hindi naman daw lalampas ng apat na buwan ang pagpapagawa ng sewer line.

Ayon pa kay Alcovendaz, ililipat muna ang mga empleyado ng zoo at tuloy-tuloy din ang pag-aalaga sa nasa 600 hayop ng zoo.

May apat hanggang limang establisimyento na ang natapos sa proseso ng pag-imbestiga, validation, at sampling, ani Environment Undersecretary Benny Antiporda.

Subalit tumanggi si Antiporda na pangalanan ang mga ito.

Dagdag pa ni Antiporda, maaaring madagdagan o mabawasan pa ang mga ito.

Sa Linggo, Enero 27, pormal na ilulunsad ang rehabilitasyon ng Manila Bay.

--Ulat ni Kori Quintos, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Manila Zoo
Manila
Manila Bay
Manila Bay rehabilitation
Department of Environment and Natural Resources
sewer line
TV Patrol
Kori Quintos
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT