DOH: Pilipinas handa sakaling makapasok ang monkeypox | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
DOH: Pilipinas handa sakaling makapasok ang monkeypox

Vivienne Gulla,
ABS-CBN News
Published Jun 01, 2022 06:33 PM PHT

MANILA — Handa ang Pilipinas sakaling makapasok ang monkeypox sa bansa, ayon sa Depertment of Health (DOH).

“Our people are much more prepared… They learned a lot from this pandemic. Everybody wears a mask. This has a lot of value add in terms of emerging or re-emerging infectious diseases,” sabi ni Health Secretary Francisco Duque III.

“Halimbawa monkeypox, mayroon tayong mask. Puwedeng makahawa via respiratory droplet ang monkeypox. Hand hygiene, puwedeng makahawa ‘yan sa mga taong may mga lesions. Handa na tayo. Ginagawa na natin. Kumbaga, ‘yung ginawa natin na paghahanda para sa COVID-19 pandemic response, parang natuhog na rin natin ‘yung ibang sakit,” dagdag niya.

Nasa higit 400 kaso na ng monkeypox ang natukoy ng World Health Organization (WHO) sa 32 bansa.

ADVERTISEMENT
Sa Thailand, mino-monitor ang kondisyon ng 12 close contacts ng infected traveller na nag-stop over sa naturang bansa nang 2 oras.

Wala pang naiuulat na kaso ng monkeypox sa Pilipinas.

Nauna nang sinabi ni Duque na nagpapatupad na ng border control ang bansa para pigilan ang pagpasok ng naturang sakit.

Naipapasa ang monkeypox virus sa pamamagitan ng close contact sa taong may sugat, bodily fluids o respiratory droplets mula sa infected na indibidwal, hayop o kontaminadong materyal, ayon sa DOH.

Wala pang indikasyon na magiging kasing lala ng COVID-19 pandemic ang outbreak ng monkeypox, sabi ng WHO.

KAUGNAY NA ULAT
Read More:
Monkeypox
COVID-19
WHO
Thailand
monkeypox virus
DOH
Department of Health
COVID-19 pandemic
tagalog news
infectious disease
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT