PatrolPH

#WalangPasok: Hunyo 1 dahil sa bagyong Dante

ABS-CBN News

Posted at Jun 01 2021 10:53 AM | Updated as of Jun 01 2021 02:36 PM

MAYNILA (2nd UPDATE) - Suspendido ang trabaho sa pamahalaan at klase sa lahat ng antas sa ilang lugar sa bansa ngayong Martes, Hunyo 1, dahil sa masamang panahong dala ng Bagyong Dante.

Kasama sa mga nagsuspende ang mga sumusunod na lugar:

  • Eastern Samar
  • Tacloban City, Leyte
  • Tandag City, Surigao del Sur

Suspendido naman ang klase sa mga sumusunod na lugar:

DAVAO DE ORO

  • Compostela
  • Monkayo
  • Montevista

Itinaaas ang mga storm signal sa ilang lugar sa Eastern Visayas at Mindanao dahil sa bagyo, ayon sa PAGASA.

Hindi bababa sa 3 ang namatay at 1 ang nawawala matapos manalasa ang Bagyong Dante sa Mindanao.

- May ulat nina Sharon Evite, Jenette Ruedas at Hernel Tocmo

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.