Pagbibigay ng Western brands na COVID-19 vaccines sa seafarers, aprubado na ni Duterte | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagbibigay ng Western brands na COVID-19 vaccines sa seafarers, aprubado na ni Duterte

Pagbibigay ng Western brands na COVID-19 vaccines sa seafarers, aprubado na ni Duterte

Joyce Balancio,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 01, 2021 08:33 PM PHT

Clipboard

Sa retratong inilabas ng kagawaran noong July 2020, pinoproseso ng staff ng Department of Foreign Affairs ang 101 stranded Filipino seafarer na dumating mula China. Retrato mula sa DFA

MAYNILA—Kinatigan ni Pangulang Rodrigo Duterte ang hiling ng ilang seafarer groups — at maging apela ni Labor Sec. Silvestre Bello III — na bigyang prayoridad ang seafarers pagdating sa mga bakunang gawa sa US o sa UK.

Ito ay matapos ipaliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kailangan kasi ito bilang requirement sa trabaho ng seafarers.

Watch more in iWantv or TFC.tv

“Dahil sa Europa, hindi sila pasasakayin, hindi sila pababalikin kung wala sila Pfizer, Moderna, Johnson & Johnson o AstraZeneca, kung puwede sila puwede mapayagan na kumuha ng Western brands. Tutol po ito sa polisiya na walang pilian, pero karamihan po ng mga barko eh nagre-require ng ganitong Western brands," ani Roque.

Payag dito ang Pangulo, sabay sabing hindi naman ito maituturing na kaso na pagbibigay ng special treatment sa mga seafarer.

ADVERTISEMENT

“We are ready to vaccinate them with the Western brand. There is no violation of the equal protection of the law because kung sabihin mo lang iyong hindi nabakunahan ng Moderna o Pfizer, at nabakunahan ng Sinovac o Sinopharm, there is no distinction and there is no clear evidence to show that itong Pfizer, Moderna are superior to the Sinovac or Sinopharm. Eh puro bakuna iyan, it is generic,” ani Duterte.

Ipinag-utos naman ni Duterte kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr. na ayusin ang magiging sistema kung paano makakapagpalista ang seafarers sa vaccination program ng gobyerno.

Ayon kay Roque, ang Pilipinas ang ikalawang pinakamataas na supplier ng seafarers sa buong mundo, kasunod ng China.

Sa halos 1.65 milyon na seafarers sa buong mundo, nasa higit 460,000 o 25 porsyento nito ay mga Pilipino.

RELATED VIDEO

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.