Duterte iginiit na hindi nagsisinungaling ang gobyerno sa estado ng COVID-19 sa bansa
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Duterte iginiit na hindi nagsisinungaling ang gobyerno sa estado ng COVID-19 sa bansa
Joyce Balancio,
ABS-CBN News
Published Jun 01, 2021 02:49 AM PHT

MAYNILA—Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na tapat ang gobyerno sa mga Pilipino patungkol sa totoong kalagayan ng bansa sa gitna ng pandemya.

Sa kanyang lingguhang public address Lunes ng gabi, sinabi niyang dahil nanumpa siya sa opisina kaya tinitiyak niyang hindi sila magsisinungaling sa taumbayan.

"Ngayon sinasabi ko I am giving you the guarantee na hindi kami magsinungaling at hindi kami magtimpla-timpla ng sa totoo para lumabas ang ganda," mungkahit ng Pangulo.

"We have no business lying to you. Wala akong obligasyon na magsinungaling sa bayan ko. Bayan ko rin ito. At bakit ako magsinungaling eh para man ito sa lahat."

Ayon kay Duterte, anumang paninira sa gobyerno ay kagagawan ng oposisyon.

“Sinasabi ko sa inyo iyong lahat ng lumalabas dito ‘yong katotohanan. Kung ayaw ninyong maniwala kayo pero ang sabi ko sa inyo huwag kayong maniwala diyan sa mga oposisyon, ‘yong mga dilawan, kasi ang lumalabas na lang nila is naghahanap ng mali maski wala at kung mayroon man eh nako-correct kaagad ‘yan. Pero kung makinig kayo sa lahat ng istorya nila, sa narrative nila sa pang-araw-araw ng buhay ng Pilipino, eh talagang malilito kayo," dagdag niya.

Matatandaang nitong mga nakaraang araw madalas napupuna ng ilang mga taga oposisyon, tulad ni Vice President Leni Robredo, ang ano mang posibleng pagkukulang ng gobyerno sa pagtugon sa pandemya, at kung ano ang maaari pa sanang magawa para mapabuti ito.

RELATED VIDEO
Read More:
Rodrigo Duterte
Leni Robredo
COVID-19
coronavirus
COVID-19 vaccine rollout
PH COVID-19 cases
Tagalog news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT