Lola patay sa QC matapos barilin ng lasing na pulis | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Lola patay sa QC matapos barilin ng lasing na pulis

Lola patay sa QC matapos barilin ng lasing na pulis

Jervis Manahan,

ABS-CBN News

 | 

Updated Jun 01, 2021 08:22 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA (UPDATE) - Patay ang 52 anyos na lola na si Lilybeth Valdez matapos barilin ng lasing na pulis sa Sitio Ruby, Barangay Greater Fairview, Quezon City nitong Lunes.

Kinilala ang pulis na si Police Master Sgt. Hensie Zinampan ng Police Security and Protection Group. Nakuhanan ng video ang pamamaril.

Pasado alas-9 ng gabi nang bumili ng sigarilyo ang biktima sa isang tindahan sa labas ng kanilang bahay.

Sinundan siya ng pulis at kitang-kitang itinatago ng pulis ang baril sa kanyang likuran. Ikinasa niya ito atsaka sinabunutan ang lola.

ADVERTISEMENT

"Nung pagkasabunot po kay ante Susan sabi po, 'sir wag niyo naman po ako sabunutan'...Pagkasabunot kay ante sa buhok binaril po kaagad siya," ani Joanne Luceño, kaanak ng biktima at nakakita sa insidente.

Kita sa video na may mga bata sa paligid nang mangyari ito. Hindi naka-duty si Zinampan nang barilin niya ang biktima.

Ayon sa anak ng biktima na si Beverly Luceño, dati nang nagkaalitan ang pulis at ang biktima.

Noong May 1, nagkasuntukan umano ang pulis at ang asawa at anak ng biktima. Pinagbantaan na rin daw ng pulis ang biktima.

Agad inireport sa pulisya ang insidente kaya inaresto ang suspek.

Sa panayam ng media, itinanggi pa ng suspek na siya ang pumatay sa lola, kahit na kitang kita sa video ang pagpatay.

Narekober ng mga awtoridad ang baril na ginamit.

Hawak na ng Quezon City Police District ang suspek na nakatakdang kasuhan ng murder.

Noong Disyembre 2020, kasagsagan ng isyu ng pamamaril ni Jonel Nuezca sa mag-inang Gregorio, nagpost sa Facebook ang suspek na hindi lahat ng pulis ay masama at isa aniya siya sa mabubuting pulis.

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.