Mag-ina patay sa pamamaril ng pulis sa Paniqui, Tarlac | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mag-ina patay sa pamamaril ng pulis sa Paniqui, Tarlac

Mag-ina patay sa pamamaril ng pulis sa Paniqui, Tarlac

ABS-CBN News

 | 

Updated Dec 21, 2020 06:40 PM PHT

Clipboard

The crime scene in Purok 2, Bgy. Cabayaoasan, Paniqui, Tarlac where a mother and her son were shot dead by a policeman neighbor during an argument. Photo from Paniqui Police Station

MAYNILA (2nd UPDATE) - Patay ang mag-ina matapos barilin ng isang pulis sa bayan ng Paniqui, Tarlac nitong Linggo ng hapon, ayon sa inisyal na ulat ng pulisya.

Nakasagutan ng mga biktimang sina Sonya Gregorio, 52 at Frank Anthony Gregorio, 25, ang suspek na si Police Senior Master Sgt. Jonel Nuezca at anak nito, na humantong sa pagpaslang.

Si Nuezca ay naka-destino sa Parañaque City Crime laboratory unit at nakatira sa Barangay Cabayaoasan, Paniqui.

Sinita umano ng pulis ang mga biktimang kapitbahay nito sa pagpapaputok ng boga, ayon kay Lt. Col. Noriel Rombaoa, hepe ng Paniqui Police.

ADVERTISEMENT

"Parang nainsulto siguro hanggang nagkasguatuan ang anak niya at ang matandang biktima. Siguro nawindang ang isip niya, dun niya pinaputukan ang mga biktima," aniya.

Makikita naman sa video, na viral na ngayon sa internet, na binaril ng pulis ang mag-ina matapos magmalaki ng batang anak nito na pulis ang kaniyang tatay, na sinagot naman ng "I don't care," ni Sonya.

Dati nang nagkagirian ang magkapitbahay dahil sa usapin ng right of way ngunit naayos na umano ito sa barangay, ani Rombaoa.

Iniulat ng Rosales Municipal Police sa Pangasinan na sumuko ang suspek sa kanila bandang alas-6:19 ng gabi.

Agad inilipat ang suspek sa Paniqui Municipal Police. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

Kinondena ni Interior Secretary Eduardo Año ang pagpatay sa mag-ina bilang "blood murder."

"Kitang-kita naman natin ito, ito ay isang blood murder. Kitang-kita sa video, hindi lumalaban 'yong biktima. Hindi naman armado ang mag-ina. Talagang murder ito," aniya.

Dagdag ni Año, sisiguraduhin niyang matatanggal sa serbisyo ang suspek.

"We don't need this kind of policeman. Napakasimpleng bagay lang 'yan para gamitan mo ng armas. Walang justification para barilin mo in cold blood. Talagang point-blank pa 'yong distansiya. Talagang kailangan bigyan natin ng hustisya [ang mga biktima]," aniya.

Hinahanda na ng Paniqui Police ang kasong kriminal laban sa suspek at mahaharap din ito sa administratibong kaso, ayon kay Rombaoa.

Paalala niya, dapat pinaiiral ng pulisya ang maximum tolerance.

"Sa mga kasamahan po natin sa pulisya dapat self-control kasi nga maximum tolerance tayo, tayo ang may armas. Kung merong umaagrabiyado sa atin merong right forum po riyan, puwede nating kasuhan, not to the point na gagamitin natin ang baril natin," aniya.

-- May ulat ni Trisha Mostoles

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.