Ilang taga-Caramoan, naghahanda na sa Bagyong Dante | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang taga-Caramoan, naghahanda na sa Bagyong Dante

ABS-CBN News
Published Jun 01, 2021 09:52 PM PHT

CAMARINES SUR—Nag-umpisa nang maramdaman sa Camarines Sur ang ulan at hangin na dala ng Tropical Storm Dante nitong Martes ng hapon, partikular sa mga bayan na nasa eastern coast, gaya ng Caramoan na malapit sa Catanduanes.

Sa Sitio Lipata ng Barangay Gogon na nasa Lahuy Island, maghapon naging makulimlim at unang naranasan ang epekto ng bagyo nitong dapithapon.

Sinamantala ng mga residente ang magandang panahon para itali at lagyan ng pabigat ang bubong ng bahay nila, habang nag-impake ang ilang residente ng dadalhing gamit sa paglikas.

PANOORIN :
May 105 na sambahayan sa Sitio Lipata na karamihan ng residente ay sa elementary school nagpapatila ng bagyo, may nakikituloy din sa mga bahay na gawa sa semento.

Inihanda na rin ng mga guro ang pantakip sa mga bintana, para maiwasan mapinsala ng hambalos ng malakas na hangin ang loob ng mga silid-aralan.

Ayon sa principal ng Lipata Elementary School nakaayos sana ang paaralan para sa isang aktibidad ng mga guro bukas, pero agad itong ikakansela kapag kinailangang gamitin na evacuation center ang mga silid-aralan.

“Classroom namin nakaayos para sa School Learning Action Cell for Teachers bukas pero pag malakas na ung hangin mapipilitan kaming i-postpone at gamitin para sa mga evacuees,” ani ng principal na si Windel Alvarez.

Katatapos pa lamang na maayos ang paaralan mula sa matinding pinsala ng malalakas na bagyo noong isang taon.

Panalangin ng mga taga-isla na patuloy na humina ang bagyo, lalo’t marami pa rin sa kanila ang hindi nakababangon sa epekto ng kalamidad at pandemya.

— Ulat ni Jonathan Magistrado
Read More:
Regions
regional news
Dante
Bagyong Dante
Bagyong Dante updates
Philippines weather update June 2021
Caramoan
Camarines Sur
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT