EXPLAINER: Bakit nagkakaroon ng rotational brownout? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

News

EXPLAINER: Bakit nagkakaroon ng rotational brownout?

EXPLAINER: Bakit nagkakaroon ng rotational brownout?

Josiah Antonio,

ABS-CBN News

Clipboard

Linemen work on electric cables in Purok 2, Barangay Culiat Quezon City on December 30, 2020. George Calvelo, ABS-CBN News

MAYNILA — Palaisipan para sa nakararami kung bakit biglang nawawalan ng kuryente bunsod ng rotational brownout.

SAPAT BA ANG SUPPY NG KURYENTE SA BANSA?

Ayon sa Meralco, normal na mas maraming supply ng kuryente kumpara sa ginagamit sa bawat oras ngunit nagkakaroon ng deficiency dahil sa mga nasisirang power plant.

Anila, kinakailangang magsagawa ng rotational brownout hanggang sa bumalik na sa normal ang operasyon ng power plant.

Watch more in iWantv or TFC.tv

PAANO MALALAMAN KUNG MAY SAPAT NA SUPPLY NG KURYENTE SA LUGAR?

Ang National Grid Corporation of the Philippines ang nagmo-monitor ng total available supply system ng kuryente sa bansa.

ADVERTISEMENT

ANO ANG MGA LEVEL NG POWER SUPPLY SYSTEM?

Nahahati sa tatlong level ang power supply system kung saan tinitignan kung kailan magsasagawa ng rotational brownout.

  • white: higit pa sa sapat ang power supply
  • yellow: kaunti lang ang natitirang reserbang supply ng kuryente
  • red: kulang na ang available power supply

ANO AT KAILAN MAGSASAGAWA NG ROTATIONAL BROWNOUT?

Ayon sa Meralco, maaari nang magkaroon ng rotational brownout kapag nasa red na ang system condition.

Ang rotational brownout ay pagkawala ng kuryente dahil kulang na ang supply. Nakadepende sa kakulangan ng supply ang haba ng brownout sa area.

Hinuhuli sa listahan ang mga vital institutions tulad ng hospital, trains, aiports, pumping stations at iba pa. Minsan hindi sila isasali sa listahan ng mawawalan ng kuryente para sa kaligtasan ng publiko.

PAANO MALALAMAN KUNG APEKTADO NG ROTATIONAL BROWNOUT ANG IYONG LUGAR?

May tentative schedule na naka-post sa social media at ibinabahagi sa media para sa publiko.

Tentative ito dahil posibleng mabago, umiksi ang schedule o ma-cancel ang schedule depende kung may biglang may mag-operate na planta o pwede ring humaba ang oras kung may nasira pang planta.

Inaalerto rin ang mga large businesses kapag nasa yellow alert na sa pamamagitan ng interruptible load program para sila ay makapag-switch sa kanilang generators upang mababawasan ang demand at mabigay sa residential areas.

ANONG PWEDENG GAWIN KAPAG NAKA-YELLOW O RED ALERT ANG POWER SUPPLY LEVEL?

Mainam na bawasan ang konsumo ng kuryente para maiwasan bumaba ang supply ng kuryente sa bansa.

Ilang sa mga payo ang Meralco para maging energy efficient ang mga residente ay ang mga sumusunod:

  • Iwasan ang pagbukas-sara ng refrigerator kung hindi kailangan
  • Laging linisin ang blades ng electric fas at aircon vents
  • I-set sa medium settting o 25 degrees Celcius ang aircon
  • I-unplug ang mga appliances on standby na hindi ginagamit

KAUGNAY NA ULAT:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.