3 'persons of interest' sa pagsabog sa Quiapo, hawak na ng MPD

Raya Capulong, ABS-CBN News

Posted at May 30 2017 10:59 PM

Hawak ngayon ng Manila Police District (MPD) ang 3 persons of interest sa nangyaring 2 pagsabog sa Quiapo, Maynila noong Mayo 6.

Kinumpirma ito ni MPD Director Chief Supt. Joel Coronel.

Ang 3 tao ay hinuli ng mga otoridad sa bahagi ng Subic kaninang hapon.

Sila ay nakita umano sa lugar ng pinangyarihan ng pagsabog bago o nang mismong nangyari ang insidente.

Dumating Martes ng gabi sa MPD Headquarters ang 3 "persons of interest".

Dalawa ang namatay sa pagsabog ng bomba na nasa loob ng package na dinala ng delivery service na Grab Express sa kanto ng Elizondo at Norzagaray Street noong Mayo 6.

Sentro ng imbestigasyon si Nasser Abinal na pagdadalhan ng package na sumabog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.