Quiapo, niyanig ng 2 pagsabog sa isang gabi | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Quiapo, niyanig ng 2 pagsabog sa isang gabi

ABS-CBN News
Published May 06, 2017 07:26 PM PHT
|
Updated May 06, 2017 09:39 PM PHT

MANILA (UPDATED) — Niyanig ng dalawang magkasunod na pagsabog ang Quiapo nitong Sabado ng gabi.

Naitala ang unang pagsabog sa kanto ng Globo De Oro at Palanca Street sa Quiapo bandang 5:55 ng hapon.

Dalawa ang naiulat na patay at apat ang sugatan sa nasabing pagsabog.

Ayon sa pulisya, nangyari ang unang pagsabog 1 kilometro ang layo mula sa pinangyarihan ng pagsabog noong nakaraang linggo.

Samantala, isa pang pagsabog ang naranasan sa bandang Norzagaray kanto ng Elizondo Street sa Quiapo pasado alas-8 ng gabi.

Sitwasyon sa Norzagaray kanto ng Elizondo st. Quiapo Maynila kung saan nangyari ang pagsabog pic.twitter.com/lbUVmdAt6N
— Raya Capulong (@RayaCapulong) May 6, 2017

Ayon kay National Capital Region Police Director Oscar Albayalde, posibleng galing sa isang homemade bomb ang ginamit sa naunang pagsabog.

Sa isang panayam sa DZMM, sinabi ni Albayalde na walang namatay sa pangalawang pagsabog ngunit may nasugatang 2 miyembro ng pulisya.

"May sumabog nga na pangalawa malakas-lakas rin po," ani Albayalde.

Kasalukuyan nang nagpapatupad ng checkpoint sa Quiapo ayon kay Albayalde.
Kasalukuyan nang nagpapatupad ng checkpoint sa Quiapo ayon kay Albayalde.
ADVERTISEMENT
Iniimbistigahan na rin ng pulisya kung sinadya ang pangalawang pagsabog o ito ay naiwang pampasabog lamang ng naunang bomba.

Tinitingnan na rin ng pulisya ang posibleng koneksyon ng pagsabog ngayon sa nangyaring pagsabog rin noong Abril 28 sa Quiapo, kung saan higit sa 10 tao ang naitalang sugatan.

Itinanggi naman ng pulisya na may kaugnayan sa terrorismo ang

mga pagsabog. — report from Raya Capulong and Raffy Santos, ABS-CBN News