House and lot, iba pa ipapa-raffle sa mga magpapabakuna sa Las Piñas | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

House and lot, iba pa ipapa-raffle sa mga magpapabakuna sa Las Piñas

House and lot, iba pa ipapa-raffle sa mga magpapabakuna sa Las Piñas

ABS-CBN News

 | 

Updated May 27, 2021 09:07 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Magpapa-raffle ng bahay at lupa at iba pa sa mga residente ng Las Piñas na magpapabakuna kontra COVID-19, ayon kay Rep. Camille Villar, ang kinatawan ng lungsod sa Kamara.

Ayon kay Villar, ang mga raffle ay paraan para mahikayat ang mga taong magpabakuna.

Maraming Pilipino, lalo na mga senior citizen, pa rin kasi ang nag-aalangan magpabakuna dahil sa takot sa side effects nito.

Mula Hulyo, 10 pangkabuhayan showcase kada buwan ang ira-raffle sa lahat ng nagpaturok na.

ADVERTISEMENT

Bahay at lupa naman ang grand prize sa Disyembre, at consolation prize naman ang 2 motorsiklo.

Nilinaw naman ni Villar na walang public funds na gagamitin sa pa-raffle.

Watch more in iWantv or TFC.tv


Sa San Luis, Pampanga, mga baka ang ipapa-raffle sa mga tumanggap ng kahit isang dose ng COVID-19 vaccine bilang pampa-engganyo sa ibang magpabakuna.

Ayon kay Mayor Jayson Sagum, sisimulan ang pakulo sa Hulyo kung kailan inaasahang aarangkada na ang pagdating ng mga bakuna.

Sa bayan ng Guagua sa parehong lalawigan, wala mang raffle, binibigyan naman ng gulay ang mga nagpapabakunang senior citizen at person with disability.

Nauna nang inihayag ng National Task Force on COVID-19 na pinag-aaralan ng gobyernong magbigay ng incentive sa mga taong magpapabakuna laban sa COVID-19.

Nakatakda naman umanong umarangkada sa Hunyo ang pagbibigay ng discount ng mga restaurant sa mga bakunado.

Target ng gobyernong mabakunahan ang hanggang 70 milyon ng populasyon bago matapos ang taon para makamit ang herd immunity. Sa huling tala, 4.4 milyon dose ng COVID-19 vaccine na ang naiturok sa bansa.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.