2 menor de edad patay matapos tamaan ng kidlat sa General Trias, Cavite | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 menor de edad patay matapos tamaan ng kidlat sa General Trias, Cavite

Karen de Guzman,
ABS-CBN News
Published May 26, 2023 10:59 AM PHT
|
Updated May 26, 2023 06:38 PM PHT

Patay ang 2 menor de edad matapos tamaan ng kidlat sa magkahiwalay na insidente sa General Trias City, Cavite.

Mula sa Barangay Pasong Camachile 2 ang unang biktimang si Xian Prangan, 10 taong gulang.

Kwento ng ina ng bata, nagpaalam ang kanyang anak na makikipaglaro sa mga kaibigang nagpapalipad ng saranggola sa palayan.

Aniya, pinagbawalan niya ito dahil umuulan na sinabayan pa ng pagkulog. Pero hindi niya alam na lumabas pa rin pala ang kanyang anak.

Maya-maya pa’y nakarinig sila ng hiyawan mula sa labas at sinabing may mga batang tinamaan ng kidlat.

Dali-daling nagpunta doon ang nanay ng biktima at nagulat nang makita ang anak na karga-karga ng kanilang kapitbahay at wala nang buhay.

Sugatan rin ang 2 kalaro ng biktima.
Sugatan rin ang 2 kalaro ng biktima.
Sa Barangay San Francisco naman, isang 16-anyos na construction worker ang tinamaan rin ng kidlat.

Naglilikom na ng mga gamit at pabalik na sana sa barracks ang biktima nang mangyari ang insidente, ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO).

Dead on arrival ang biktima habang sugatan naman ang kanyang kasama.

Ayon kay Executive Assistant Fernando Olimpo ng General Trias City Hall, isolated case ito at nabigla rin sila na may tinamaan ng kidlat sa 2 magkahiwalay na lugar.

Paalala nila sa publiko, iwasang lumabas kapag kumukulog at kumikidlat.