Mga kapitbahay ng batang may autism na nabaril ng pulis sa Valenzuela, nanagawan ng tulong | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga kapitbahay ng batang may autism na nabaril ng pulis sa Valenzuela, nanagawan ng tulong

Joyce Balancio,
ABS-CBN News
Published May 25, 2021 11:55 PM PHT

MAYNILA - Nagkusang-loob ang ilang residente sa Valenzuela City para maiayos ang burol ni Edwin Arnigo, ang 18-anyos na napatay ng mga pulis sa isinagawang operasyon ng iligal na tupada sa lungsod.

Nang dumating kasi ang labi ni Arnigo Martes ng hapon, wala ang mga magulang nito sa bahay nila sa ng Phase 4 sa Assumption Ville dahil naisugod sa ospital ang nanay niyang si Helen Arnigo matapos sumama ang pakiramdam nito.

Ani Michelle Penarroyo, isa sa mga kapitbahay ng mga Arnigo, labis ang pag-aalala lang nila kay Helen dahil sa pinagdaraan nito ngayon.

Maging ang ibang kapatid ni Edwin, hindi na rin halos nakakapagpahinga at nakakatulog dahil sa dinadanas na sama ng loob.

Nakatira lang sa tapat ng bahay nina Helen si Michelle kaya alam niya rin ang sakripisyo ng mga magulang ni Edwin para sa pamilya.

Nanawagan siya ng tulong para sa naiwang pamilya ni Edwin.

“Financial at tulad ng comfort sa kanila. Kasi lahat sila, malungkot, mawalan ng mahal sa buhay lalo na anak at kapatid, hindi ganoon kadali iyon na biglaan,” ani Michelle.

Nanindigan naman siya na malayo sa ugali ni Edwin ang mga paratang mga pulis na ito ay nanlaban at nakipag-agawan ng baril sa mga pulis.

Aniya, mula pa pagkabata kilala na ng mga taga-Phase 4 ang biktima, na may autism spectrum disorder.
Aniya, mula pa pagkabata kilala na ng mga taga-Phase 4 ang biktima, na may autism spectrum disorder.
ADVERTISEMENT
“Kahit sinong teacher sa Lingunan, magbe-bless iyan. Kahit sino dito, may nakasalubong na may bitbit, tutulungan," ani Michelle.

Samantala, isa naman sa mga nakiramay rin kanina ang mga taga PNP-IAS na pumunta rin sa lugar para magsagawa ng imbestigasyon sa kasong ito.

“Initially this is a motu propio investigation, from internal affairs Camp Crame. So pinuntahan natin ang pamilya to secure additional evidence from the neighborhood at maidagdag natin if ever mai-file ang kaso” ani Police Lt. Fidel Aganus ng PNP-IAS

Bantay sarado naman ng mga taga-barangay ang burol ni Edwin, at nagbibigay rin ng assistance sa mga magulang nito habang nasa ospital pa.

Tiniyak ni Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian na sasaluhin ng lungsod ang gastos mula sa awtopsiya hanggang sa pagpapalibing kay Edwin.

KAUGNAY NA VIDEO
Read More:
Valenzuela
Edwin Arnigo
child with special needs
operasyon kontra Tupad
Valenzuela City
Teleradyo
Tagalog news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT