117 tauhan ng PNP Drug Enforcement Group, sinibak | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

117 tauhan ng PNP Drug Enforcement Group, sinibak

117 tauhan ng PNP Drug Enforcement Group, sinibak

Raya Capulong,

ABS-CBN News

Clipboard

pulis

MAYNILA—Pumalo na sa mahigit 100 ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Drug Enforcement Group na inalis sa pwesto.

Ayon kay PDEG director Police Brig. General Faro Olaguera, mula sa 97 umabot na sa 117 ang mga tauhan ng inalis sa pwesto.

"This is an ongoing na ginagawa natin as part of the internal cleansing natin. Gusto kasi natin na sabi ko nga walang bahid, walang mantsa yung maiiwan dito sa PDEG. So kailangan natin linisin ang hanay as far as we can para in the way ahead, ay sa akin lang on a personal note, kung maaari wala na kontrobersya na susunod kasi alam niyo naman itong controversy na nangyari ay nakakalungkot, nakakaligalig lalo na sa uniformed personnel na magtatanong bakit nangyari ito," ani Olaguera.

Dagdag niya, nagpapatuloy ang mahigpit na pagsala sa mga tauhan ng PDEG at sa ngayon nasa mahigit 1,000 tauhan nila ang sumasalang sa refresher course.

ADVERTISEMENT

Sinabi naman ni Olaguera na welcome sa kanya at suportado nya ang plano ni PNP Chief Police Gen. Benjamin Acorda Jr. na ideploy ang ilang mga tauhan ng Special Action Force sa PDEG.

"Sa akin naman, personally, napakaganda 'yun kasi nga alam niyo naman 'yung reputation ng SAF. Napakagandang direction 'yun, way ahead sa PDEG na magkakaroon ng SAF troopers dito," aniya.

Sakali mang matuloy ang paglipat, sasalang aniya ang mga SAF trooper sa 2 linggong retraining dahil counter-terrorism ang kanilang expertise habang drug operations naman ang expertise ng PDEG.

Sinabi ng PNP kamakailan na hindi na basta-basta mag-a-assign ng mga tauhan sa mga drug operations unit. Ani PNP spokesperson Police Col. Jean Fajardo, ipinag-utos na ni PNP Chief General Benjamin Acorda Jr. ang mas mahigpit na vetting process sa mga isasabak sa drug operations.

Noong Abril, pinuna ng mga kongresista ang tila buhol-buhol na kuwento ng mga opisyal ng PNP na may kinalaman sa pagkakasabat sa may 990 kilo ng hinihinalang shabu noong nakaraang taon.

Sinabi ni Acorda na hindi muna papangalanan hangga't hindi pa nakakasuhan ang mga matataas na opisyal ng PNP na sangkot umano sa iligal na droga.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.