Kawani ng BFP patay matapos matimbog, manlaban umano sa buy-bust sa Southern Leyte | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kawani ng BFP patay matapos matimbog, manlaban umano sa buy-bust sa Southern Leyte

Kawani ng BFP patay matapos matimbog, manlaban umano sa buy-bust sa Southern Leyte

ABS-CBN News

Clipboard

Sa lugar na ito nabaril ang suspek sa ikinasang buy-bust operation sa Southern Leyte. Larawan mula sa Philippine Drug Enforcement Agency Region 8

MAYNILA - Patay ang isang kawani ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa isinagawang buy-bust operation ng awtoridad sa Barangay Rizal sa Sogod, Southern Leyte noong Miyerkoles ng umaga.

Nakilala ang namatay na suspek na si Jody Daclan Magallanes, 40 anyos at nakatalaga sa Mahaplag Fire Station.

Nakabili umano ang nagpanggap na buyer mula sa suspek ng isang pirasong plastic sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P70,000.

Pero nakatunog umano ang suspek na pulis ang kaniyang katransaksiyon, bumunot ng kalibre .45 na baril at pinaputukan ang awtoridad.

ADVERTISEMENT

Nakaganti naman ang operating team at nabaril ang suspek.

Dinala pa ang suspek sa Sogod District Hospital ngunit idineklara na itong patay ng mga doktor.

Nakuha sa lugar ang sachet ng hinihinalang shabu, baril na ginamit ng suspek, at isang brown coin purse.

Ayon sa awtoridad, itinuturing ang suspek na high-value target at top 2 drug personality sa Southern Leyte.

- Ulat ni Ranulfo Docdocan

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.