Paggasta ng mga politiko sa social media ads dapat tutukan: watchdog | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Paggasta ng mga politiko sa social media ads dapat tutukan: watchdog

Paggasta ng mga politiko sa social media ads dapat tutukan: watchdog

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Hinikayat ng isang election watchdog ang Commission on Elections (Comelec) na silipin ang paggasta ng mga politiko sa advertisement sa social media, na nakitaan kamakailan ng pagtaas.

Sabi ni University of the Philippines journalism professor Danilo Arao, convenor ng Kontra Daya, nakita na sa mga nakaraang eleksiyon ang kapangyarihan ng social media para makapaghalal ng opisyal.

"Mainam sana na ma-call out [ng Comelec]," ani Arao.

Naobserbahan na rin nila ngayon pa lang ang paggasta sa social media ads ng mga grupo at indibidwal, lalo't kulang isang taon na lang bago ang halalan sa 2022.

ADVERTISEMENT

Dahil dito, naiimpluwensiyahan na aniya ang public opinion kahit wala pang campaign period.

Kaya para kay Arao, mahalagang maging mapanuri ang publiko sa nakikita sa social media. Aminado naman ang propesor na madaling makalusot ang mga politiko pagdating sa teknikalidad.

"Legally puwede mong sabihing hindi siya premature campaigning kaya lang parang mapanlikha ang mga indibidwal at grupong ito and I think the Comelec should put its foot down," sabi ni Arao.

KAMPANYAN SA PANDEMYA

Samantala, naniniwala rin si Arao na bagama't may pandemya, mas mainam ang mga pisikal na debate at limitadong face-to-face campaign kaysa sa pagkampanya sa social media.

Hindi aniya lahat ay may access sa internet at hindi rin umano mapipigilan ang personal na pagkampanya lalo na sa mga probinsiya.

Pero dapat aniyang iwasang maging super spreader ng COVID-19 ang mga kampanya at gawin ito sa limitadong oras at iwasan ang indoor activities.

Umaasa rin ang Kontra Daya na mababawasan ang entertainment sa mga kampanya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.