Baka di maabot ang target na bilang ng mga botante sa halalan 2022: Comelec exec | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Baka di maabot ang target na bilang ng mga botante sa halalan 2022: Comelec exec

ABS-CBN News
Published May 17, 2021 05:03 PM PHT
|
Updated May 17, 2021 07:36 PM PHT

May agam-agam ang isang opisyal ng Commission on Elections (Comelec) na baka hindi maabot ang target na bilang ng mga botante para sa halalan 2022 dahil sa COVID-19 pandemic.

Bago ang pandmeya, 65 milyon ang target na bilang ng mga botante, pero ibinaba na ito sa 62 hanggang 63 milyon.

May alinlangan si Comelec Commissioner Marlon Casquejo na maaabot ang bilang bago ang deadline ng voter registration sa Setyembre 30.

"We are trying to catch up with our target, which I dont know if we can still get," ani Casquejo.

ADVERTISEMENT
"Medyo mahirapan tayo because we have to limit also the number of registrants per day," dagdag niya.

Sa huling hearing ng election registration noong Abril 19, nasa 58.9 milyon ang kabuuang bilang ng registered voters.

Sa 4 milyon hangggang 5 milyong target na bagong botante, higit 3 milyon pa lang ang nakapagparehistro, base sa tala noong Mayo 11.

Ngayong Lunes, muling umarangkada ang voter registration sa Metro Manila at mga karatig-lalawigan matapos matigil ng halos 2 buwan dahil sa mas pinaigting na quarantine restrictions bunsod ng pagsipa ng mga kaso ng COVID-19.

Maaaring magparehistro sa mga tanggapan ng Comelec mula Lunes hanggang Biyernes, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon. Puwede rin sa satellite registration sites tuwing Sabado, parehong mga oras.

Para mailapit ang proseso sa mas maraming botante, puwedeng i-download ang voter registration application form sa website ng Comelec, o kaya'y punan online sa irehistro.comelec.gov.ph.

Maglalabas din umano ng application form ang Comelec para maiprenta ang mga ito kahit walang internet.

Samantala, nanawagan ang Legal Network for Truthful Elections (Lente) na gawin ang voter registration sa malalaking satellite sites dahil sa banta ng COVID-19.

Makabubuti anila ito, lalo na sa vulnerable sectors.

"Masikip ang mga election offices natin, Comelec field offices, and we've been calling on Comelec since last year na sana gumamit sila ng mas malalaking venue katulad ng mga covered court o mga conference halls para sa registration," sabi ni Lente Executive Director Ona Caritos.

Inaantabayanan din ng Lente na mailabas ng Comelec ang guidelines para sa voter registration ng mga nakadetene o persons deprived of liberty.

-- Ulat ni Ina Reformina, ABS-CBN News
RELATED VIDEO:
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Commission on Elections
halalan 2022
2022 elections
2022 general election
voter registration
Covid-19 pandemic
Covid-19
Covid-19 elections
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT