Bagong guidelines sa 2022 halalan maisasapinal sa Mayo o Hunyo: Comelec | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Bagong guidelines sa 2022 halalan maisasapinal sa Mayo o Hunyo: Comelec

Bagong guidelines sa 2022 halalan maisasapinal sa Mayo o Hunyo: Comelec

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Isasapinal na ng Commission on Elections (Comelec) ang guidelines o mga panuntunan para sa halalan na idaraos sa susunod na taon sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Comelec Commissioner Antonio Kho Jr., isasapinal ng 'new normal committee' ng Comelec ang halalan 2022 guidelines ngayong Mayo o sa Hunyo.

Tiyak daw na mapapasama ang pagtatalaga ng "isolated polling place" sa bawat polling center para makaboto pa rin ang makakaranas ng lagnat.

Nasubukan na ito sa plebisito noong Marso para hatiin sana ang Palawan.

ADVERTISEMENT

"Kung mataas talaga 'yong kaniyang temperature, dadalhin siya to what is known as the IPP - isolated polling place. Bagong sistema ito. So, lahat ng polling centers doon magkakaroon ng IPP. So bibigyan pa rin 'yong botante ng right to vote," ani Kho.

Tuloy pa rin ang planong paglilimita sa bilang ng mga botante sa bawat voting precint at pagpapalawig sa voting hours. Isasama sa guidelines ang mga detalye nito.

Plano naman ng Comelec na isama sa computation ng broadcast expenses ng mga kandidato ang kampanya nila sa social media.

Kailangang nakadeklara ito sa kani-kanilang statements of campaign contribution and expenditures.

"So ang control points namin diyan would be 'yong expenses nila on paying these, let us say vloggers, 'yong ating mga website," ani Kho.

Ipinayo naman ni Dr. Beverly Ho, health promotion and communications director sa Department of Health, ang pagkakaroon ng magandang bentilasyon sa voting precinct para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Naglabas naman ng unity statement ang higit 2,000 grupo para suportahan ang Comelec sa halalan.

Hiniling din ng grupo sa pahayag ang dagdag na P10 bilyon pondo para sa "COVID-19-proofing" ng darating na halalan.

Isang taon bago ang halalan, nagsisimula na ring mabuwag o mabuo ang ilang alyansa ng mga politiko.

Umanib sa Lakas–CMD (Lakas–Christian Muslim Democrats) ang higit 15 opisyal, kabilang sina Bacoor Mayor Lani Mercado na dating Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) at Davao de Oro Rep. Manuel "Way Kurat" Zamora na miyembro pa rin ng Hugpong ng Pagbabago.

Handa ring makipag-alyansa umano sa ibang mga partido ang National Unity Party (NUP) pero dahil pandemya, halos wala pa raw galawan sa partido.

Ayon kay NUP President Elpidio Barzaga Jr., na Cavite representative din, hindi pa rin pinag-uusapan sa partido ang posibleng pagtakbong presidente ng vice chairman nilang si Manila Mayo Francisco "Isko Moreno" Domagoso.

Ayon naman sa administration party na PDP-Laban, may ilang posibleng presidential candidate sa kanilang hanay pero wala pa raw silang napipiling standard bearer dahil tutok pa sa pandemya.

-- Ulat ni Ina Reformina, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.