2 suspek sa pagpatay sa 2 bata sa Bulacan sumuko | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 suspek sa pagpatay sa 2 bata sa Bulacan sumuko

2 suspek sa pagpatay sa 2 bata sa Bulacan sumuko

ABS-CBN News

Clipboard

Inanunsiyo sa press conference nitong Mayo 16, 2021 ang pagsuko ng 2 suspek sa pagkamatay ng 2 bata sa San Jose del Monte, Bulacan. Jerome Lantin, ABS-CBN News

Sumuko sa pulisya ang 2 suspek sa pagpatay kamakailan sa 2 bata sa San Jose del Monte, Bulacan, sabi ngayong Linggo ni Philippine National Police chief Gen. Guillermo Eleazar.

Ayon kay Eleazar, umamin sa krimen ang 41 anyos na suspek na si Romeo Ruzon habang kinukuwestiyon ng mga pulis noong Mayo 12.

Sumuko naman noong sumunod na araw ang 17 anyos na stepson ni Ruzon, na kasabwat umano niya sa krimen.

"Umalis ang suspect na ito, pumunta ng Manila para takasan ang problema na ito, pero nabanggit na sa live-in partner ang kaniyang ginawa," ani Eleazar.

ADVERTISEMENT

"Itong biktima and suspect ay magkapitbahay. Ang ating victim is usually naglalaro sa portion na 'yon dahil may nakukuha silang mga prutas. 'Yong ating suspect, doon din ang trabaho na gumagawa ng walis at nagtatanim ng halaman," sabi ni Eleazar.

Natagpuan noong Miyerkoles ang bangkay ng 2 biktima — isang 8 taong gulang na lalaki at 11 anyos na babae — sa liblib at mabundok na bahagi ng Barangay Gumaoc East sa San Jose del Monte.

Ayon kay Eleazar, lumabas sa medico-legal report na ginahasa ang babaeng biktima.

Hindi pa rin umano malinaw ang motibo sa pagpatay sa mga bata.

Sumailalim na si Ruzon at ang kaniyang kasabwat sa drug test.

Nakadetene na si Ruzon sa San Jose del Monte police station. Itinanggi niyang gumamit siya ng ilegal na droga o nakainom.

"Sana mapatawd ako ng pamilya nila. Handa ko naman pagdusahan ang kasalanan na ginawa ko," aniya.

Nakipag-ugnayan naman na ang mga pulis sa Department of Social Welfare and Development para sa pangangalaga sa menor de edad na suspek.

Nahaharap umano ang mga suspek sa mga kasong murder at rape with homicide.

RELATED VIDEO:

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.