2 drug suspek patay sa umano'y shootout; P14 milyong halaga ng droga narekober | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
2 drug suspek patay sa umano'y shootout; P14 milyong halaga ng droga narekober

Jekki Pascual,
ABS-CBN News
Published May 15, 2021 09:26 AM PHT
|
Updated May 15, 2021 09:27 AM PHT

2 drug suspek, patay sa enkuwentro sa pulis sa Gapan, Nueva Ecija. P14-M halaga ng shabu, nasabat. 📷Police Regional Office 3 pic.twitter.com/HMyVpPpro6
— Jekki Pascual (@jekkipascual) May 15, 2021

Nasa P14 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang narekober mula sa dalawang napatay na drug suspek na nakipagbarilan umano sa awtoridad sa ikinasang buy-bust operation sa Gapan, Nueva Ecija noong Biyernes.

Ayon kay Police Col. Jaime Santos, acting provincial director ng Nueva Ecija Police, nagkasa ng joint operation ang Philippine National Police Drug Enforcement Group, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Gapan police sa Barangay Sto. Cristo Sur matapos makakuha ng impormasyon ukol sa ilegal na aktibidad ng mga suspek.

Nakipagkita sa mga suspek ang pulis na nagpanggap na buyer sa isang bahay sa lugar.

Matapos ang bentahan, nakaramdam ang mga suspek na pulis pala ang katransaksyon kaya nagpaputok umano sila ng baril na nauwi sa engkuwentro.

Napatay ang dalawang drug suspek na kapwa taga Gapan. Nakatakas naman ang isang kasamahan nila.

Nakuha sa mga suspek ang dalawang vacuum-sealed plastic na may lamang hinihinalang shabu na may bigat na dalawang kilo.

Tinatayang aabot sa P14 milyon ang halaga ng droga. Inaalam na ng mga pulis kung sino ang supplier ng mga suspek at pinaghahanap na rin ang nakatakas na lalaki.