High-value drug suspect patay sa engkwentro sa Camarines Norte

ABS-CBN News

Posted at May 10 2021 06:32 AM

Watch more in iWantTFC

Patay ang isang tinaguriang high-value drug suspect matapos makipagbarilan umano sa mga pulis sa bayan ng Daet, Camarines Norte, Linggo ng umaga.

Ayon kay Police Brig. Gen. Jonnel Estomo, regional director ng Bicol Police, nagkasa ng joint entrapment at buy bust ang mga pulis laban sa suspek, Linggo ng umaga. 

Target nila si alyas Dodoy na sinasabing notoryus na tulak ng droga sa Bicol at binansagan pang armed and dangerous ng mga pulis. 

Bumili ang isang police poseur buyer ng droga sa suspek sa Barangay Gahonon, pero nang makaramdam ang suspek na pulis pala ang katransaksyon, nagpaputok umano ito ng baril na nauwi sa enkwentro. 

Tinamaan ang suspek at dineklarang patay na ng medical team na rumespone sa lugar. 

Nakuha sa lugar ng enkwentro ang baril, mga bala, at ang P30,000 na halaga ng hinihinalang droga na binili umano ng poseur buyer. — Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.