1 patay, 15 arestado sa magkakahiwalay na operasyon sa Lanao del Sur | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

1 patay, 15 arestado sa magkakahiwalay na operasyon sa Lanao del Sur

1 patay, 15 arestado sa magkakahiwalay na operasyon sa Lanao del Sur

ABS-CBN News

Clipboard

Nakapiit na ngayon sa custodial facility ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang 15 naarestong mga suspek sa Lanao del Sur. Larawan mula sa PDEA-BARMM

Isa ang patay habang 15 naman ang arestado sa magkakahiwalay na paghahain ng search warrant sa Lanao del Sur.

Sa bayan ng Picong, patay ang suspek na si alyas Kareem matapos maghain ng search warrant laban sa kaniya sa Barangay Kabaturan, Biyernes ng umaga.

Nanlaban umano si Kareem sa awtoridad kaya nabaril at napatay.

Naaresto naman ang pitong kasamahan nito.

ADVERTISEMENT

Napasok din ng operatiba ang isang drug den sa lugar at nakumpiska ang 23 sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na higit 15 gramo, at mga gamit sa droga tulad ng tooter, lighter, bamboo sealer at used aluminum foil.

Nakumpiska rin sa operasyon ang dalawang M16 rifle.

Sa isa pang search warrant operation, nakatakas ang target na kinilalang si alyas Emen pero timbog ang walong kasamahan nito.

Nakuha naman mula sa bahay na ginawang drug den ng mga suspek ang 58 sachet ng droga na nakasilid sa dalawang kaha ng sigarilyo at may timbang na nasa 15 gramo, mga gamit sa pagdodroga, ID at isang fragmented hand grenade.

Sa ikatlong search warrant operation sa lugar, nakatakas din ang target na kinilalang si alyas Camar.

Pero nakuha sa bahay nito na isa rin umanong drug den ang limang pakete ng hinihinalang shabu na 15 gramo din ang timbang.

Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang mga kahaharaping kaso ng mga arestado at nakatakas mga suspek.

- Ulat ni Lerio Bompat

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.