ALAMIN: Mga puwede, bawal gawin sa 'GCQ with heightened restrictions' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Mga puwede, bawal gawin sa 'GCQ with heightened restrictions'

ALAMIN: Mga puwede, bawal gawin sa 'GCQ with heightened restrictions'

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA - Matapos ang dalawang buwan na lockdown, ibinalik sa general community quarantine ang National Capital Region (NCR) Plus bubble (Metro Manila, Cavite, Rizal, Laguna, Bulacan) — pero may ilan pa ring paghihigpit.

Ano nga ba ang mga panuntunan sa ilalim ng GCQ with heightened restrictions?

Alinsunod sa kautusan ng Inter-Agency Task Force, makalalabas na ng bahay ang mga edad 18 hanggang 65.

Pero essential travel at authorized persons outside residence lang ang papayagan sa usaping pagpasok at paglabas ng NCR Plus.

ADVERTISEMENT

Hanggang 20 porsiyento lang ng kapasidad ang papayagan sa indoor dine-in services.

Samantala, ang al fresco o outdoor dining ay hanggang 50 porsiyento lang, habang papayagan ang specialized markets ng Department of Tourism.

Hanggang 10 porsiyento lang ng venue capacity ang pwedeng dumalo sa mga religious gathering para sa mga necrological service, lamay, at libing.

Papayagan naman ang mga outdoor na non-contact sports at laro, habang puwede nang hanggang sa 30 porsiyentong kapasidad ang personal care services para sa mga negosyong hindi na kinakailangan na magtanggal ng face mask, gaya ng mga salon, parlor, at beauty clinic.

Samantala, sinabi naman ni Interior Secretary Eduardo Año na puwede nang mag-staycation sa loob ng NCR Plus bubble ang mga nasa edad 18 hanggang 65.

Pero bawal pa rin ang mga entertainment venue gaya ng mga bar, concert hall, theatre, at iba pa.

"Maraming hindi pinayagan d'yan katulad ng mga entertainment venues katulad ng bars, concert halls, cinemas, theater, bawal 'yan. Mga recreational venues, arcades, net cafes, billiards, bawal din 'yan. Sa amusement, parks, fairs, playgrounds, kiddie rides, bawal din. Casino, horse racing, cockfighting, bawal din," ani Año.

Puwede rin aniyang bumisita sa mga kaanak sa loob ng bubble pero dapat tiyaking nasusunod ang health protocols. Gayunman, bawal pa rin ang mass gathering at pagdaraos ng mga party sa bahay.

Aabot naman sa 10 porsiyento ang pinapayagang kapasidad para sa mga magdadaos ng kasal at binyag.

— May ulat ni Pia Gutierrez, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.