Salesman sa Agusan del Norte inaresto matapos tawaging 'buang' si Duterte sa FB post | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Salesman sa Agusan del Norte inaresto matapos tawaging 'buang' si Duterte sa FB post

Salesman sa Agusan del Norte inaresto matapos tawaging 'buang' si Duterte sa FB post

Lorilly Charmane Awitan,

ABS-CBN News

Clipboard

Inaresto ang isang salesman matapos umano nitong tawaging baliw si Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang Facebook post. Retrato mula sa Police Regional Office 13

NASIPIT, Agusan del Norte — Inaresto nitong Miyerkoles ng mga awtoridad sa bayan na ito ang isang salesman matapos umanong laitin si Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang post sa social media.

Hinuli ng mga operatiba ng Regional Anti-Cybercrime Unit 13 at Nasipit Municipal Police Station si Reynaldo Orcullo, 41, sa kanyang pamamahay.

Ayon sa mga awtoridad, ito ang pinost ni Orcullo sa Facebook:

"ALAM NA PATTERN, MOSALIDA SI GO KONUHAY SIYA MOHANGYO SA BUANG NGA PANGULO, DIGONG GAGO. BUANG SI DIGONG (Alam na ang pattern, lalabas si Go kunwari hihiling siya sa Pangulong Digong gago, baliw si Digong.)"

ADVERTISEMENT

Kinumpiska ng mga awtoridad ang cellphone ni Orcullo na ginamit umano niya sa pag-post.

Sinampahan si Orcullo ng kasong paglabag sa Section 4 ng Cybercrime Prevention Act of 2012.

Ayon sa isang opisyal ng Commission on Human Rights sa Caraga Region, iimbestigahan nila ang pag-aresto kay Orcullo dahil maaaring usapin lamang ito ng "freedom of expression."

Napapansin raw ng komisyon na sa panahong ito na mayroong pandemya, may mga ordinaryong tao ang naiimbitahan ng mga opisyal dahil lamang sa simpleng pagpuna nila sa mga ipinatutupad na patakaran tulad ng social distancing, at programa tulad ng mga ayuda.

"We have to remember also that the freedom of speech has contribution to governance and public service," pahayag ni Atty. Euvic Ferrer sa ABS-CBN News.

ADVERTISEMENT

Dahil sa mga pangyayaring ito, kinokonsidera raw ng komisyon na maglabas ng human rights advisory upang magabayan ang lahat sa limitasyon at sakop ng karapatan sa pamamahayag at pananalita, at upang mapaliwanagan rin ang mga tagapagpatupad ng batas.

"His (Orcullo's) ignorance could be exploited and mu-resulta siya into a chilling effect on the people. Imbes og mu-participate sila in governance, mu-participate sila in improving the conditions of themselves or the people in the community, dili na lang sila mutingog because they are not aware nga naa diay Constitutionally-protected nga right to speech, because they're also not aware unsa ang limitations ani," paliwanag ni Ferrer.

(His ignorance could be exploited and magre-resulta ito into a chilling effect on the people. Imbes na mag-participate sila in governance, mag-participate sila in improving the conditions of themselves or the people in the community, hindi na lang sila iimik because they are not aware ne meron palang Constitutionally-protected right to speech, because they're also not aware tungkol sa limitations nito.)

Samantala, umaasa ang komisyon na pantay ang pagpapatupad ng mga kapulisan sa anumang batas tulad ng Cybercrime Law.

"Even our office, even officials of our office are subject to ridicule, malice," ani Ferrer.

ADVERTISEMENT

Umaasa rin ang komisyon na mabigyan si Orcullo ng karapatang madepensahan ng isang abogado, at isang mabilis at patas na pagdinig, kung matuloy man sa korte ang kanyang kaso.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.