4 na miyembro ng BIFF, patay sa panibagong sagupaan sa Maguindanao

ABS-CBN News

Posted at May 12 2021 04:42 PM | Updated as of May 12 2021 04:45 PM


Patay ang apat na mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa panibagong engkuwentro ng grupo sa militar sa karatig-lugar ng Datu Paglas, Miyerkoles ng umaga.

Ang Karialan faction ng nasabing grupo ang muling nakalaban ng tropa ng gobyerno na mga nakatakas sa nangyaring bakbakan sa palengke ng Datu Paglas noong Sabado.

Nangyari ang panibagong bakbakan matapos tumungo si Presidente Rodrigo Duterte sa headquarters ng 6th Infantry Division ng Philippine Army sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao nitong Martes para sa isang meeting kasama ang mga opisyal ng militar at lokal na pamahalaan hinggil sa ginagawang pag-atake ng tinatawag nitong “teroristang grupo.”

Mula noong Sabado, may dalawa na ring naaresto mula sa panig ng BIFF.

Una nang sinabi ng 6th ID na isang linggo na rin ang sunod-sunod na engkuwentro nila sa mga BIFF, isang breakaway group ng Moro Islamic Liberation Front na may kasunduang pangkapayapaan na sa gobyerno. 

 KAUGNAY NA BALITA:

- Ulat ni Chrislen Bulosan

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.