KILALANIN: Bagong PNP chief Guillermo Eleazar | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

KILALANIN: Bagong PNP chief Guillermo Eleazar

KILALANIN: Bagong PNP chief Guillermo Eleazar

ABS-CBN News

 | 

Updated May 06, 2021 08:43 PM PHT

Clipboard

Itinalaga si Lt. Gen. Guillermo Eleazar bilang bagong pinuno ng Philippine National Police. ABS-CBN News/File

(UPDATE) Sa Biyernes, Mayo 7, pormal nang uupo bilang bagong hepe ng Philippine National Police (PNP) si Lt. Gen. Guillermo Eleazar.

Papalitan niya ang magreretirong si Gen. Debold Sinas, na kaniyang mistah sa Philippine Military Academy Hinirang Class of 1987.

Si Eleazar ang magiging ika-26 na hepe ng PNP at pang-6 na hepe sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Tubong-Tagkawayan, Quezon, unang kuminang ang pangalan ni Eleazar nang italaga siya bilang direktor ng Quezon City Police District.

ADVERTISEMENT

Kalauna'y pinamunuan niya ang National Capital Region Police Office, kung saan pinangunahan nito ang war on drugs ng pamahalaan.

Nakilala rin si Eleazar bilang istriktong disciplinarian.

Bago pangalanan ni Pangulong Duterte bilang bagong PNP chief, nagsilbi rin si Eleazar bilang "No. 2" ng PNP bilang deputy chief for administration, kung saan tinutukan niya ang pagtugon ng pulisya sa COVID-19 pandemic.

Si Eleazar rin ang unang commander ng Joint Task Force COVID-19 Shield, na naatasang ipatupad ang mga quarantine restriction na inilatag ngayong panahon ng pandemya.

Bukod sa pagtugon sa COVID-19, malaking hamon din sa pamumuno ni Eleazar ang pagbawi ng tiwala ng tao sa PNP, partikular sa mga kontrobersiyang kinaharap nito sa ilalim ni Sinas.

Kasama umano rito ang "mañanita" controversy, pag-red tag ng mga aktibista, at pagpatay sa mga community leader na pinaratangang kasapi ng mga komunistang rebelde.

Iba pa umano ang mga ito sa patuloy na kampanya laban sa ilegal na droga at internal cleansing sa hanay ng pulisya.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Ipinayo naman ni dating PNP chief at ngayo'y Sen. Panfilo Lacson kay Eleazar na ipagpatuloy ang pagdisiplina sa PNP.

Pinuri naman ni Senate President Vicente "Tito" Sotto III ang pagpili kay Eleazar bilang bagong PNP chief.

Ipinayo naman ni Sen. Ronald dela Rosa na ituloy ang pagla-lobby sa 2 kapulungan ng Kongreso para mapalakas pa ang awtoridad ng PNP chief.

Buo naman ang tiwala ng Palasyo kay Eleazar na magiging mahusay itong PNP chief.

"Mataas ang ekspektasyon sa inyo ng Pangulo, maging ng taumbayan. Naniniwala kami na kaya ninyong harapin ang ano mang pagsubok na darating," sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Anim na buwan magsisilbi si Eleazar bilang chief PNP bago siya magretiro sa Nobyembre.

— Ulat ni Raffy Santos, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.