Brgy Ex-O sa Sampaloc tiklo sa tangka umanong panggagahasa sa menor de edad | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Brgy Ex-O sa Sampaloc tiklo sa tangka umanong panggagahasa sa menor de edad

Brgy Ex-O sa Sampaloc tiklo sa tangka umanong panggagahasa sa menor de edad

ABS-CBN News

 | 

Updated May 06, 2021 07:06 AM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA—Dinampot ng pulisya ang Ex-O ng isang barangay sa Sampaloc, sa lungsod na ito matapos ireklamo ng pamilya ng isang menor de edad nitong Miyerkoles.

Tinangka umano niyang gahasain ang 13-anyos na dalagita na anak ng isa ring nagtatrabaho sa kanilang barangay. Nangyari umano ang pangmomolestiya sa barangay hall at nakuhanan pa ng CCTV.

Karga-karga ng 45-anyos na suspek ang biktima na walang suot pambaba pagpasok sa barangay hall.

Ayon kay Police Lt. Col. Gene Licud, commander ng Sampaloc Police, isa pang taga-barangay ang nakapansin sa kanila at sumunod sa loob ng barangay hall kaya naagapan ang panggagahasa.

ADVERTISEMENT

Todo depensa ang suspek na wala siyang ginawa dahil naaawa siya sa dalagita at ang biktima pa umano ang naghubad at nag-aya sa kanya.

Pero ayon sa pamilya ng biktima, mag-iigib lang sana ng tubig ang dalagita nang bigla umano siyang hawakan ng suspek.

Kakasuhan ng attempted rape ang barangay Ex-O.

Hinihikayat ng pulisya ang mga barangay na higpitan ang pagpili ng mga magsisilbi sa barangay, tulad ng pagdadagdag ng neuro-psychiatric exam, para masiyasat nang mabuti ang pagkatao ng mga magiging alagad ng batas.--Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.