PatrolPH

Lalaki tiklo sa umano’y panggagahasa ng 15 anyos na babae sa Bulacan

Jervis Manahan, ABS-CBN News

Posted at May 03 2021 06:44 AM

Watch more on iWantTFC

Ikinulong ng San Jose del Monte PNP ang 20 anyos na lalaking inaakusahang nanggahasa ng 1 babaeng menor de edad sa Barangay Minuyan Proper, lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan.

Kuwento ng tita ng 15 anyos na biktima, nahuli niya ang mga mensahe sa cellphone ng biktima kung saan tinatakot siya ng suspek.

Nagse-send umano ng mga malaswang video ang suspek sa biktima.

Magkapit-bahay lang ang suspek at ang biktima, kaya madali silang nagkikita.

Tinakot pa ng suspek ang bata na huwag magsusumbong sa kahit kanino.

Ayon pa sa tita, pinagsamantalahan talaga ng suspek ang kaniyang pamangkin.

Nitong Sabado, nahuli ang dalawa na magkasama sa isang talahiban at nakahubad ang lalaki.

Depensa ng suspek, kasintahan niya ang bata at inaaway lang siya ng ate ng biktima. Hindi naman umano niya sinaktan ang biktima.

Nakatakdang sampahan ng kasong statutory rape ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.