2 suspek sa panggagahasa patay matapos manlaban umano sa pulis | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

2 suspek sa panggagahasa patay matapos manlaban umano sa pulis

2 suspek sa panggagahasa patay matapos manlaban umano sa pulis

Jekki Pascual,

ABS-CBN News

Clipboard

Patay ang dalawang suspek na may kasong rape matapos makipagbarilan umano sa mga pulis na naghahain ng kanilang arrest warrant sa Liloan, Cebu, Biyernes.

Ayon kay Police Maj. Ronaldo Lumactod Jr, tagapagsalita ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group, nagkasa ng intelligence operations ang mga tauhan ng AKG, Maritime Group operatives at pulis mula sa Iligan at Liloan.

Target nila ang apat na suspek na mag-aamang may arrest warrant sa kasong rape.

Lumapit ang isang pulis sa suspek na si Arnel Capangpangan at sinabing aarestuhin siya pero bigla umanong binaril ng suspek ang pulis, na siyang tinamaan sa tiyan.

ADVERTISEMENT

Nagpaputok ang ibang pulis at nakipagbarilan na rin umano ang isa pang suspek na si Marlou Capangpanagan.

Napatay ang dalawang suspek, habang nakatakas naman ang dalawang iba pang kasamahan nila.

Kinasuhan ng rape ang apat na mag-aama noong 2018 matapos umano nila gahasain ang apat na taong gulang na anak ng kanilang kapitbahay sa Iligan City.

Matapos ang krimen, nagtago sila sa Liloan kung saan natunton sila ng intelligence officers.

Nagpapagaling naman sa ospital ang nabaril na pulis na si Lt. Zosimo Ravanes Jr.

Patuloy ang manhunt operation sa dalawang iba pang suspek na nakatakas.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.