Rape suspect na nagtago nang halos 15 taon huli sa Bacolod

ABS-CBN News

Posted at Apr 18 2021 11:22 AM

Naaresto sa Bacolod City ang isang lalaking rape susepct matapos magtago nang halos 15 taon, sabi ngayong Linggo ng pulisya.

Ayon kay Maj. Ronaldo Lumactod, public information officer ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group, nagkasa noong Biyernes ang kanilang unit at Bacolod police ng operasyon matapos makatanggap ng ulat sa kinaroroonan ng suspek na si Ildefonso Opilda.

Nahuli sa Barangay Mansilingan si Oplida, na itinuturing na ikatlo sa mga most wanted sa Bacolod.

Inakusahan ang suspek na gumahasa sa mga anak ng kaniyang kapitbahay noong 2007. Una niya umanong ginahasa si alyas "Rose," isang menor de edad, at matapos ang ilang buwan, kapatid naman ni "Rose" ang naging biktima.

Nakakulong na sa Bacolod City Police Station ang suspek para sa 2 counts of rape. 

– Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.