Most wanted sa N. Samar dahil sa umano'y panggagahasa arestado

ABS-CBN News

Posted at May 04 2021 05:30 PM

Arestado sa General Mariano Alvarez (GMA), Cavite ang lalaking itinuturing na most wanted sa probinsiya ng Northern Samar, sabi ngayong Martes ng pulisya.

Nahuli ang suspek na si alyas "Dong" noong Sabado sa pinagtataguan nito sa Barangay F. De Castro, GMA matapos magtago nang 8 years.

Wanted si "Dong" dahil sa 4 count ng rape matapos umano niyang gahasain ang mga anak noong 2013 sa Rosario, Northern Samar.

Tiniyak ng Rosario Municipal Police Station na mas magiging agresibo ito para mahuli ang iba pang personalidad na nagtatago sa batas.

— Ulat ni Ranulfo Docdocan

FROM THE ARCHIVES:

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.