Lalaking malapit na mag-birthday, patay sa pamamaril sa Parañaque | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaking malapit na mag-birthday, patay sa pamamaril sa Parañaque

Anjo Bagaoisan,
ABS-CBN News
Published May 04, 2021 06:40 AM PHT

MAYNILA—Patay ang isang 38-anyos na lalaki matapos pagbabarilin sa Barangay Tambo, Parañaque City, Lunes ng gabi.

Kinilala siya ng mga dumating na kamag-anak na si Darvin Baldovino, residente ng naturang barangay.

Patay ang isang 38-anyos na lalaki na pinagbabaril habang naglalakad pauwi sa MIA Road, Bgy. Tambo, Parañaque City
📸:Ralph Rodriguez pic.twitter.com/yrNjPURAR9
— Anjo Bagaoisan (@anjo_bagaoisan) May 3, 2021

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, naglalakad umano siya sa MIA Road mula sa kanto ng Roxas Boulevard nang barilin pasado alas-8:30 ng gabi. Naglalakad din umano ang salarin.

Kuwento ng guwardiya ng isang kalapit na tindahan, nakarinig sila ng 2 putok at hindi na ito nadagdagan pa dahil may ibang mga tao sa lugar.

ADVERTISEMENT
Ayon sa asawa, pauwi na noon si Baldovino mula sa barangay hall.

Walang trabaho ang biktima at sabi ng asawa ay nakulong dati sa kasong estafa. Magdiriwang na sana siya ng kaarawan sa Sabado.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang motibo sa pamamaril.