PatrolPH

Lolo binaril ang apo dahil umano sa alitan sa chainsaw

ABS-CBN News

Posted at Apr 30 2021 01:40 PM | Updated as of Apr 30 2021 11:16 PM

DAVAO DEL NORTE (UPDATED) - Huli ang isang 85 anyos na lalaki sa umano'y pamamaril ng kaniyang 27 anyos na apo sa loob ng kanilang bahay sa bayan ng Sta. Fe sa probinsiyang ito, Huwebes. 

Ayon sa imbestigasyon ng New Corella police, nag-away umano ang dalawa dahil pinalitan umano ng biktima ang guide bar ng chainsaw ng kaniyang lolo. 

Sa kaliwang balikat binaril ng suspek ang kaniyang apo gamit ang .357 revolver. 

Isinugod sa ospital ang biktima habang agad ring sumuko sa mga awtoridad ang suspek na posibleng humarap sa kasong homicide.

Nakumpiska rin ng mga pulisya ang apat na bala ng baril mula sa suspek. 

-- Ulat ni Chrislen Bulosan

KAUGNAY NA VIDEO: 

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.