Maynila, Makati handa nang magbakuna gamit ang Sputnik V vaccines | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Maynila, Makati handa nang magbakuna gamit ang Sputnik V vaccines

Maynila, Makati handa nang magbakuna gamit ang Sputnik V vaccines

ABS-CBN News

Clipboard

Natanggap na ng lokal na pamahalaan ng Makati City ang mga dose ng Sputnik V vaccine, Mayo 3, 2021. Vivienne Gulla, ABS-CBN News

Handa na umanong i-rollout ng mga lokal na pamahalaan ng Maynila at Makati ang mga natanggap na Sputnik V, ang mga bakuna kontra COVID-19 na galing Russia.

Kabilang ang Maynila at Makati sa 5 lungsod sa Metro Manila na nakatanggap ng unang batch ng Sputnik V vaccines na dumating sa bansa. Napili sila dahil sila ang mga may kakayahan para sa cold storage requirement ng bakuna.

Pasado ala-1 ng hapon nang dumating sa Santa Ana Hospital sa Maynila ang unang 3,000 doses ng Sputnik V, na nakalaan para sa mga priority na residente ng Maynila.

Idineretso ang mga bakuna sa bio freezer.

ADVERTISEMENT

Ayon kay Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso, handa ang lungsod na i-roll out ang bakuna sa Martes (DOH).

Dalawang vaccination site lang muna ang magbibigay ng Sputnik V: ang Santa Ana Hospital at Ospital ng Maynila.

Inilaan muna sa health workers na hindi pa nababakunahan ang unang araw ng roll out ng Russian vaccine, na may efficacy rate na 91.6 porsiyento.

"Marami kasing frontliners na naghihintay pa rin ng bakuna," ani Dr. Arnold Pangan ng Manila Health Department.

Ayon sa vaccine expert panel, kapag nailabas na sa storage o carrier na may temperaturang -18 degrees Celsius ang Sputnik V, kailangan itong maiturok sa loob ng 30 minuto.

"We need to vaccinate ASAP... Kailangan dito confirmed kang darating," ani Domagoso.

"We should know the number of persons na magpapabakuna, para 'yon lang ang dadalhin ng Santa Ana going to Ospital ng Maynila kasi hindi puwedeng masayang," ani Pangan.

Watch more in iWantv or TFC.tv

Halos ganoon din ang plano ng Makati City na tumaggap din ng 3,000 doses ng Sputnik V nitong Lunes.

Sa Martes tatanggalin ang 800 doses na ituturok sa mga residente pero nakalagay pa rin sa transport coolers na kayang mag-maintain ng -18 degrees Celsius.

Sa Makati Coliseum naman isasagawa ang rollout ng Sputnik V sa lungsod.

"Sa Makati Coliseum, may naka-prepare na biofreezer na tatanggap ng bakunang gagamitin lang for that day.'Yong coolers, may naka-standby sa bawat table na magbabakuna," ani Dr. Ronald Unson, assistant city health officer.

Dumating na rin nitong hapon ng Lunes ang Sputnik V vaccines sa Taguig, Parañaque at Muntinlupa.

Tiniyak ng DOH na kahit mas malamig kompara sa 2 naunang COVID-19 vaccine brands ang temperature requirement ng Sputnik V, na-maintain ang kalidad nito sa biyahe.

Nananatili rin ang kumpiyansa ng mga opisyal ng mga piling lungsod sa Sputnik V kahit hindi ito tinanggap sa Brazil dahil sa ilang kakulangan sa impormasyon kaugnay ng safety, quality at efficacy.

Nauna nang sinabi ng DOH na base sa pag-aaral ng Food and Drug Administration, katanggap-tanggap at ligtas ang Sputnik V para sa mga Pilipino kaya ito nabigyan ng emergency use authorization.

-- Ulat ni Vivienne Gulla, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.