Sputnik V vaccine ipapamahagi sa 5 lungsod sa Metro Manila | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Sputnik V vaccine ipapamahagi sa 5 lungsod sa Metro Manila

Sputnik V vaccine ipapamahagi sa 5 lungsod sa Metro Manila

ABS-CBN News

Clipboard

Ipapamahagi sa Lunes sa 5 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ang 15,000 doses ng Sputnik V, ang COVID-19 vaccines na gawa ng Russia, sabi ngayong Linggo ng Department of Health.

Ipinaliwanag ni Dr. Napoleon Arevalo, direktor ng DOH field implementaiton and coordination team, na limitado muna ang distribusyon ng Sputnik V vaccines sa mga lokal na pamahalaang may kapasidad sa cold storage nito.

Nasa -18 degrees Celsius kasi ang kailangang temperatura ng paglalagakan ng Sputnik V.

Kaya sa Lunes, sa Maynila, Makati, Muntinlupa, Parañaque, at Taguig pa lang muna ibibigay ang mga bakuna.

ADVERTISEMENT

Puwedeng mabakunahan ng Sputnik V ang mga may edad 18 pataas pero prayoridad pa rin ang health care workers, senior citizens, at persons with comorbidities.

"Ang ating instruction, once the local government has already received the vaccines, they can start [administering]," ani Arevalo.

Dapat namang maibigay ang second dose ng Sputnik V 28 araw pagkatapos ng unang dose.

Ayon sa DOH, ang unang batch ng Sputnik V — na dumating sa bansa noong Sabado — ay gagamitin para sa simulation o pilot run bilang paghahanda sa pagdating ng mas malaking bulto ng mga bakuna.

Ngayong Mayo rin inaasahang darating sa bansa ang dagdag na 485,000 doses ng bakuna ng Russia.

ADVERTISEMENT

Ayon naman kay testing car Vince Dizon, tuloy-tuloy ang paghahanda ng mga local government unit (LGU) sa pagtanggap at paggamit ng Sputnik V vaccines.

"Kasi ang Sputnik medyo delicate ang handling, so tinrain nang maigi ang mga health workers ni [Taguig] Mayor Lino [Cayetano] para maayos ang ating pagbabakuna," ani Dizon.

"Nagte-training na rin ang iba-ibang LGUS sa [National Capital Region] para mag-handle ng Sputnik," aniya.

Sa isang pahayag, sinabi ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na mapapabuti ng pilot run ng pagbabakuna gamit ang Sputnik V ang logistical capabilites ng bansa.

Ayon din kay Galvez, 10 milyong dose ng bakuna ang na-secure ng pamahalaan na darating sa bansa "in tranches" sa loob ng 4 na buwan.

ADVERTISEMENT

Sa tala noong Abril 30, nasa 1.9 milyon na tao na ang nabakunahan kontra COVID-19 sa Pilipinas. Sa bilang na iyon, higit 280,000 ang nakakumpleto na ng kanilang second dose.

Target ng pamahalaang mabakunahan ang hanggang 70 milyong Pilipino bago matapos ang taon.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.