P1.4 milyong halaga ng shabu nakumpiska sa buy-bust sa Zamboanga City

ABS-CBN News

Posted at May 01 2021 02:36 PM

P1.4 milyong halaga ng shabu nakumpiska sa buy-bust sa Zamboanga City 1
Apat na malalaking pakete ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa buy-bust operation sa Zamboanga City. Larawan mula sa Labuan Police Station

ZAMBOANGA CITY - Tatlo ang arestado sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Manicahan sa nasabing lungsod, Sabado ng umaga, kung saan P1.4 milyong halaga ng shabu ang nasabat.

Pawang residente ng Basilan ang mga suspek. 

Ayon sa hepe ng Labuan Police Station na si Maj. Sonny Boy Perez, nasabat sa tatlo ang tatlong malalaking pakete ng hinihinilang shabu na nagkakahalaga ng P1.4 milyong.
 
Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa mga suspek.

- Ulat ni Leizel Lacastesantos