7 timbog sa 'drug den' sa Zamboanga City; P136,000 halaga ng 'shabu' nasabat

ABS-CBN News

Posted at Feb 23 2021 11:31 PM

ZAMBOANGA CITY - Pitong suspek ang naaresto sa isang buy-bust operation kung saan nasa P136,000 halaga ng hinihinalang shabu nasabat ng mga awtoridad sa Brgy. Sta. Catalina, Zamboanga nitong Martes.

Ayon sa mga awtoridad, naisara nila ang isang drug den at 33 plastic sachet ng shabu ang nakompiska.

Nasa 20 gramo ang bigat ng kontrabandong nasamsam.

Nahaharap sa kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek.--Ulat ni Leizel Lacastesantos

RELATED VIDEO

Watch more in iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.