Pacquiao: Karapatan ni Marcos umayaw sa debate | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pacquiao: Karapatan ni Marcos umayaw sa debate

Pacquiao: Karapatan ni Marcos umayaw sa debate

ABS-CBN News

Clipboard

May karapatan umano ang kahit na sino umayaw sa mga debate. Ito ang pahayag ni presidential candidate at Sen. Manny Pacquiao sa kanyang pagbisita sa Zamboanga City nitong Sabado.

Ayon kay Pacquiao, bago pa man niyaya ni Vice President Leni Robredo si dating Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa isang one-on-one debate, nauna na siyang humamon sa dating senador.

“Karapatan naman nya yun pag hindi,” ayon kay Pacquiao.

Hindi pa rin umano sigurado si Pacquiao kung dadalo siya sa forum ng Comelec.

ADVERTISEMENT

Sa kanyang pagbisita sa Zamboanga City kasama ang kanyang maybahay, nagsagawa ng caravan ang Team Pacquiao kasama ang lokal na UNA slate na pinangungunahan ni mayoral aspirant Rommel Agan.

Nag-courtesy call din sila kay Mayor Beng Climaco sa City Hall bago tumungo sa gymnasium ng Southern City Colleges sa Barangay Divisoria.

Sa harap ng kanyang mga tagasuporta nakiusap si Pacquiao na pagbigyan siyang maglingkod bilang pangulo ng bansa.

Nailagay na umano niya ang Pilipinas sa mapa ng mundo bilang isang boksingero. Ayon kay Pacquiao gusto rin niyang ilagay ang bansa sa world map bilang isang bansa na may maayos na pamumuno.

Sabi ni Pacquiao bagamat mukhang dehado siya kung survey ang pag-uusapan, pero iba umano ang suporta na nakukuha niya sa kanyang pag-iikot sa iba’t ibang bahgi ng bansa.

Inulit ni Pacquiao na di siya aatras sa laban.

Samantala, sinabi naman ni Pacquiao na nawawala ang kredibilidad ng isang tao kapag pabago-bago ng sinasabi. Ito ang reaksyon niya matapos bawiin ni Kerwin Espinosa ang kanyang pahayag laban kay Senador Leila De Lima.

Ayon kay Pacquiao, personal niyang nakausap si Espinosa noon at meron umano siyang record nito. Kapani-paniwala umano ang salaysay ni Espinosa noong panahong tumestigo siya sa hearing.

"Hintayin na lang natin ang desisyon ng korte at sana matapos na para naman yung kapwa ko senador na matagal na sa kulungan, mamaya inosente pala,” ani Pacquiao.

Matapos ang pulong-pulong agad din siyang umalis sa pagpapatuloy ng kanyang kampanya sa Mindanao.

Sinabi ni Pacquiao na panahon na para mabigyan ng prayoridad ang Mindanao at Visayas.

Kung palaring manalo sa halalan, ipinangako ni Pacquiao na libre na ang pagpapaospital ng lahat ng mga senior citizen. Itataas din umano niya ang minimum wage ng mga manggagawa at tutulungan din ang mga negosyante para matupad ang pangako niyang ito. - Queenie Casimiro

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.